Chapter 33

11 1 0
                                    

INIHINTO NI SILVER sa isang restaurant sa bayan ang kotse at kaagad rin naman silang bumaba ni Evie.

"This looks nice, masarap dito?" pagtukoy pa ni Evie sa restaurant.

"Yeap. Mixed Filipino and Spanish cuisines, most especially mga pagkain dito sa Pangasinan nag-originate." paliwanag pa ni Silver at pinagbuksan si Evie ng glass door.

"Interesting." paglibot naman ni Evie ng paningin niya sa kabuuang interior ng restaurant dahil traditional and old style Filipino house ang pinaka-theme.

Parang nasa loob ng bahay ng mga sinaunang Pilipino noon mula sa mga muebles na halatang pinasadya, hanggang sa mga kasangkapang ginagamit. Mga naka-saya at panyo sa ulo ang mga waitress at naka-puting shirt na may pulang panyo at pulang pantalon naman ang mga lalaki.

"Good afternoon ma'am, sir! Table for two?" pagsalubong naman sa kanila ng isang babae.

"Yes please." sagot naman ni Silver rito.

Hinaya sila ng babae sa ikalawang palapag ng resto at pinili naman nila sa may veranda na tanaw ang likod ng resto na may maliit na taniman. Sila pa lamang ang pupwesto rito dahil maliwanag pa naman para sa dinner.

Inalalayan naman ni Silver si Evie makaupo bago naupo sa tapat nito.

"So, dito mo ba dinadala din lahat ng babae mo?" bungad naman ni Evie at napapatong niya pa ang mga kamay sa mesa.

"Excuse me! -- Graduate na ko sa ganun noh! Saka hindi ko sila dinadala sa sosyaling lugar, starbucks lang siguro."

Napairap naman si Evie rito dahil parang nag-back fire sa kanya ang pangaasar.

"Tse.."

Nang makapag-order na sila, nagtaka naman si Evie kung bakit sinara ng waiter ang pintuan sa veranda papuntang loob ng resto. Napakasariwa ng hangin sa pwesto nila, damang-dama ang ambiance ayon sa tema ng lugar.

"This will be our first date, isn't it? pagngisi pa ni Silver kay Evie pero tinaasan lamang siya nito ng kilay.

"Is this what you really call a date?" pagsandal pa ni Evie at crossed arms.

"Bakit? Eh ngayon lang naman talaga kita nakasamang magpunta sa ganitong lugar?"

"Oh well, I think -- this is too mainstream."

"Mainstream?"

"Oo. Na idi-date mo sa fancy resto, candle light dinner for two, with music and so and so fort." natatawa pang paliwanag ni Evie.

Nagtatawang bahagya naman si Silver sa sinasabi ni Evie.

"Lots of women are dying for that, doesn't it?"

"I'm not included." paglilinaw pa ng dalaga.

"And what are you into?" napatingin naman si Evie sa kanya na nakapataas ang dalawang kilay na tila may nais siyang isipin mabuti.

Ilang sandali pa ay may napagtanto na si Silver na labis niyang kinatuwa.

"Oo nga pala! You prefer an --"

"That!" pagsabat naman na ni Evie rito. "Di ba mas romantic at mas ma-appreciate ko kasi e-effort-an!"

Napatungo-tungo naman si Silver rito at napahimas sa beard niya. Nakatingin lang siya kay Evie na tila may iniisip.

"Alam ko yang iniisip mo.." pasaring pa ni Evie saka uminom ng tubig niya.

"Kung ano man iniisip mo -- tama ka!"

Humagalpak naman ng tawa si Evie na kinatawa rin ni Silver.

"Bakit ka tumawa? Siguro mahalay ang nasa isip mo?"

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon