Chapter 3

22 1 0
                                    

*KRIING... KRIING...

Mabilis na dinukot ni Evie ang phone sa bulsa ng kanyang coat ng bahagyang nag-ring at nag-vibrate ito upang hindi na makapukaw ng atensyon ng karamihan.

Sa wakas ay may dahilan siya upang lumabas ng silid.

Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng conference room. Napansin ito ni Benjamin ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya hanggang sa mapalingon siya sa harapan niya, kay Silver. Napansin niyang nakasunod ng tingin ito kay Evie hanggang sa makalabas.

"Hello Jay? --" bati niya agad rito dahil ito ang lumabas na pangalan sa caller ID niya. "Fe! Ano ng nangyari sayo dyan?" bakas naman ang pagaalala niya ng si Fe na pala ang kausap niya.

(Nandito pa rin kami sa presinto, Miss Evie. Nagmamatigas itong driver. Ni ayaw magbayad ng damages!) bakas sa tono ang pagkainis nito.

"Ganun ba? Sige, pupuntahan nalang kita dyan."

(Tapos ka na ba mag-present? Kamusta naman ang meeting? Anong sabi ni director?) natatarantang pagaalala pa rin nito sa naiwang gawain.

"Ayos lang naman. Alam naman ni director ang nangyari. Sasabihan ko nalang siyang pupuntahan kita. Tatawagan ko na rin si Atty. Joachim."

(Sige, Miss Evie. Salamat ah.)

Pagkababa ng tawag ay kaagad na napasugod si Evie sa restroom ng floor na yun at napatapat sa salamin.

Minasdan ang sarili at napapaigting bangang. Bigla na lamang siyang napaupo na halos yakapin ang mga tuhod ngunit ang kanang kamay niya ay napakapit pa rin sa sink. Hindi na niya napigilan bumuhos ang mga luha sa mga mata na kanina pa niya pinipigilan.

"Bakit -- ngayon pa?!" saad niya sa pagitan ng mga atungol at hikbi.

Tinakpan niya ang bibig upang hindi lumikha ng anumang ingay ang kanyang mga hikbi at pagtangis. Halos wala siyang makita sa mga luhang nasa mata na pilit pa ring kumakawala. Pilit man niyang patahanin na ang sarili ngunit kabaligtaran naman ang nangyayari.

Kahit patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niyang naguunahang kumawala, kaagad naman siyang nagpahid gamit lamang ng kamay niya. Tumayo na siya at patuloy pa rin ang pagpahid niya rito. Sobrang pula ng kanyang mga mata at ilong, pilit niyang pinipigilan na ang mga luha niya at humihinga ng malalim upang hindi na ito kumawala.

Kumuha na siya ng tissue at kaagad na pinunasan ang mata at mukha niya sabay singa na rin roon. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo na. Inalis niya ang pagkakatali nun at itinali muli ito ng buong naka-ponytail na. Mas kita ngayon ang magandang mukha niya ngunit nababalutan ng lungkot at ang makinis na leeg niyang namumula rin.

Huminga muli siya ng malalim at minasdan ulit ang sarili sa salamin. Halatang galing siya sa isang short breakdown ngunit wala na siyang oras upang umiyak pa, wala ito sa schedule niya ngayong araw kaya lumabas na siya ng restroom. Dali namang kinuha na ang bag niya sa table niya at nanakbo papuntang elevator.

Sakto namang lumabas doon ang dalawang empleyadong kaninang tumulong sa kanya na magakyat ng mga pagkain kaya bahagya siyang natigilan ngunit ni hindi siya makatingin ng tuwid sa mga ito.

"Ah, miss Evie, eto na po yung mga pinatimpla niyong kape para sa --"

"Si -- sige na. I-pasok niyo na sa loob ng conference." nagmamadali lang niyang sagot rito na hindi pa rin tinitingnan ng diretso dahil baka mahalata nila ang pamumula ng mata at mukha niya.

Nagtaka naman ang mga ito sa malamig niyang sagot at tila nagmamadaling makapasok ng elevator.

Tila isa itong perfect excuse upang hindi na siya magtagal sa opisina dahil naroon pa ang lalaking hindi niya inaasahang makita pa. Hindi man niya aminin, ngunit nais niyang umiwas muna rito sa kadahilanang hindi niya alam kung papaano ba talaga ito haharapin sa ngayon. Matapos ang hindi magandang hiwalayan nila, hindi pa siya handang harapin pa rin ito.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon