HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid.
"Okay na po mga kwarto sir."
"Ah, Salamat manang, pakikuha nalang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap.
"Sige po sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo."
"Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo."
"Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.
Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.
Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.
Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.
Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata niyang tila kumikislap na dahil na rin sa liwanag ng bahay na tumatama sa nangingilid niyang mga luha. Alam niyang mga nangingilid na luha yun.
Napansin niya rin ang pamumula na ng ilong nito kaya hindi na niya rin mapigilang hindi mangilid ang mga luha sa mata. Tila nagsusumamo siya sa dalaga sa mga oras na ito. Gustong-gusto na niyang sunggaban ng mahigpit na yakap si Evie.
Matagal silang nagkatinginan na kahit pa walang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ay parang nagkakaunawaan na sila. Labis siyang nakakaramdam ng lungkot dahil alam niyang malungkot rin ang dalaga. Nais niyang humingi ng tawad rito at sabihing matagal na siyang hinihintay ng bahay na ito, at ngayon sa wakas ay nakauwi na siya rito. Nakauwi na sila.
NANG makaakyat sila sa kani-kanilang kwarto kaagad rin silang nagpalit ng damit na mas komportable at beach ready dahil mga mukha pa silang galing business meetings.
Magkasama sa kwarto sina Evie at Ingrid, habang sina Benjamin at Khalil ang magkasama. Nasa sarili niyang master's bed room naman si Silver.
Pagkapasok na pagkapasok ni Silver sa kanyang silid ay binagsak na niya ang katawan sa Alaskan King size bed niya ng nakapatihaya ngunit ang parteng tuhod pababa niya ay nakasayad sa carpeted floor ng silid. Nakatulala lamang siya sa kisame at tila napapaisip sa nangyari kani-kanina lang.
Nang magkita sila ni Evie kanina na para bang nais na nilang manakbo sa isa't isa at magyakapan kung hindi lamang nila napagtantong may ibang tao nga rin pala silang kasama at hindi alam ng mga ito ang tungkol pa rin sa kanila. Ramdam niya ang labis na lungkot sa mga mata nito at alam niyang alam din ni Evie na ganito rin ang nararamdaman niya.
Dumaloy ang luha sa gilid ng mga mata ni Silver na kanina ay kamuntik na ring kumawala.
I'm sorry.. Sana mapatawad mo pa ako..
Labis pa rin ang pangungulila at pananabik ni Silver sa dalaga.
Samantalang napansin ni Evie na nakasuot rin si Ingrid ng one-piece swimsuit ngunit tila shorty type ang pang ibaba nito. Litaw na litaw ang slender body type nito dahil mas matangkad ito sa kanya. May pagka-conservative itong manamit ngunit sa suot nito ngayon ay mukhang makakahalina ng kahit na sinong lalaki kahit pa nakapatong rin ng manipis na sundress.
Habang si Evie naman ay naka-black one-piece swimsuit rin ngunit mas litaw ang pwetan niya dahil sa bikini type at cleavage niya na confident naman siyang ipakita. Litaw rin ang makinis niyang tiyan at buong likod. Pinatungan lang din niya ito ng manipis at asul na sundress.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
Storie d'amoreEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...