Chapter 26

13 1 0
                                    

NANG MAKAPASOK NA ang mga sasakyan nila, kaagad na bumaba si Evie at pinababa si Steve. Bumaba naman din si Silver at kinuha ang mga gamit nila sa compartment.

"Good morning ma'am, sir." bati naman ng katiwala roon ni Silver.

"Good morning manong, we're back again." sagot naman ni Evie rito.

"Oh my gosh! This is so lit!" pagkamangha pa ni Sofie ng makita ang bahay. Well, that's also her reaction on first time seeing the place. "Look, Benj! This is also a dream house I want for us! What do you think?" pagkapit pa nito sa braso ni Benjamin dahil bitbit ng binata ang mga gamit nila si Sofie sa magkabilang kamay.

Hindi naman mairi ang reaksyon ni Benjamin na tila napipilitang sumangayon.

"Com'on let's get inside." pagaaya pa ni Silver sa mga ito habang nangunguna sa pagpasok ng bahay.

Tila si Sofie na lamang ang manghang-mangha ng makapasok ng bahay. Pinakawalan na ni Evie si Steve para makapaggala ito, hindi naman ito makakalabas na dahil nakasara na ang gate. Hindi rin kasi ito sanay ng nakatali.

"Ahhh! Stay away from me! Shoo!" tili naman ni Sofie dahil nilalapitan siya ni Steve at inaamoy ngunit biglang tinahulan. "Ahh! Alisin mo yang maduming aso na yan!" sigaw pa nito.

"Excuse me, mas malinis pa ang bibig nito kaysa sayo. Kumakain ka siguro ng aso noh? Galit sayo si Steve eh?" pabiro man ngunit puno ng sarkastimo ang sinabi ni Evie. Halos humagalpak naman si Benjamin dahil rito.

"Argh! Basta wag mong palapitin yang asong yan sakin! Eww!" pagiinarte pa nito at tumabi kay Benjamin sa pagkakaupo sa sofa.

"Hindi mo naman kailangan matakot kay Steve, he's a nice boy." saad pa ni Benjamin na nilapitan din ni Steve kaya hinimas niya ang ulo nito.

"Don't touch it!" suway pa ni Sofie at hinigit ang kamay ni Benjamin na pinaghahawak sa aso.

"Come to mommy, Steve." pagtawag pa ni Evie rito kaya lumapit din ang aso.

Nagtungo si Evie sa kitchen kasama si Steve, naroon si Silver at kinakausap ang katiwala tungkol sa ihahaing pagkain nila. Nakita naman siya ni Silver pero hindi niya ito pinansin dahil dumiretso siya sa water dispenser para lagyan ng tubig ang bowl na hawak para sa aso.

Habang umiinom si Steve, minamasdan lang siya ni Evie at hinihimas ang katawan.

"Uhaw na uhaw ang baby ko ah?" saad pa ni Silver ng makalapit sa kanila. Tiningala naman siya ni Evie.

"May busal ka ba?" seryosong tanong nito kay Silver.

"Ahm, mayroon. Bakit? Bubusalan mo si Steve?"

"Hindi noh! Yung Sofie na yun ang bubusalan ko, napakaingay! Takot pala sa aso eh kailangan pang mageskandalo?" bwisit namang pahayag ni Evie na kinatawa ni Silver.

"May kulungan rin sa likod, kung sakali doon mo siya gustong patulugin." panggagatong pa ni Silver.

"Bruhang yun? Tawaging madumi at eww daw si Steve? Eh hindi nga ito lumalapit sa pangit."

Lalong natutuwa si Silver dahil sa kanya nagbubuhos ng hinaing si Evie.

"So gwapo talaga ako kasi gustong-gusto niya ako eh?"

Sinamaan naman ni Evie ito ng tingin. "Isa ka pa!" sabay walkout nito sa kitchen. Naiwan naman si Steve doon kay Silver.

"Sungit talaga ni mommy mo noh? Intay ka lang baby Steve ah, pakakainin ka ni daddy ng mga steak dyan." paghimas pa niya sa ulo ng aso.

Hindi ako susuko, Evie. Ngayon pang mas napapalapit na tayo sa isa't isa.

Habang nagiintay sila ng tanghalian, umakyat na muna sila sa mga kwarto upang mailagay ang mga gamit nila.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon