I let out a heavy sigh bago ko ipasok yung invitation sa bag na dala ko.
Wow! as in Wow talaga!
Bakit pa nya ko binigyan ng invitation! Ang sakit ah! Pinamumukha pa nya sakin na ikakasal na sila?
Di man lang nirespeto yung feelings ko!
Itinuloy ko nalang yung pagsusulat ko.
"Hoy, pwede kang umiyak. Wag mo lang sirain yang ballpen na hawak mo. Akin yan e!" napatingin ako kay Aira nang magsalita sya.
Silang tatlo, nakatingin na sakin.Tinignan ko yung ginagawa ko. Sobrang higpit nga ng pagkakahawak ko ng ballpen at ang diin ng sulat ko.
Di ko yun napansin.
"Sorry." sambit ko at nagsulat na uli.Pero inilayo sakin ni Aira yung notebook.
"Hoy akin na yan!" sigaw ko pero mas inilayo nya yung notebook sakin.Ano bang problema nya?
"Ayoko nga. Baka mamaya mali mali pa yang gawin mo. Lutang ka kaya. Iiyak mo nalang yan!" Kumunot yung noo ko.
Pinagsasabi nito?
"Pa inosente pa! Yan oh! Patulo na yang luha mo." itinuro pa nya yung mukha ko.
The next thing I knew, tuluyan nang tumulo yung mga luha ko.Yumuko ako sa lamesa at duon umiyak.Akala ko, di na ko masasaktan pag nagkita kami.Akala ko ready na ako.
Akala ko di na ako magugulat or masasaktan pag nalaman kong ikakasal na sila,Pero nagkamali ako. Masakit parin pala.
Oo, tanggap ko nang wala na kami at medyo nakamove on na ako. Pero andito parin yung sakit.
"Hala! Cassie, bakit ka naiyak?" tanong ni Jaeden.
Kahit nakayuko ako, ramdam ko yung presensya nilang tatlo sa tabi ko.Umangat ako ng tingin at nagpunas ng luha. Inayos ko yung itsura ko.Hindi na dapat ako ganito. Nakakahiya kung makikita nilang mahina ako.
"Can you tell us why are you crying?" tanong ni Deinzer at nag abot pa ng tubig sakin.Kinuha ko yun at ininom.
Inilapag ko sa table yung baso pagkaubos ko ng tubig bago magsalita."S-Si Yander....Si Yander yung... yung Ex ko."
Nanlaki yung mata ni Jaeden.
"Eh? Ikaw yun?"
"Anong ako?" tanong ko.
"Yung ano... kinukwento nya sakin dati na girlfriend nya. Ampochi nga e! Mahal na mahal ka nun kaya nga di ako makapaniwalang naghiwalay kayo.
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomansaBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...
![Unfaded Love [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/240690264-64-k943196.jpg)