Nakalabas na si tito sa hospital 2 days after nilang mag ka ayos ni Dash. Thursday na ngayon at bukas na ang pageant. Sobrang kinakabahan ako!
"Cassie ang ganda ng gown! Bagay sayo. Pati yung kay Pres ang ganda din. Bagay na bagay kayo." Zahaira, my cousin complimented me.
"Hay nako, Cassie balita ko nagkakamabutihan na kayo ni Pres ah! Nilabag nyo yung classroom rule natin!" Napatingin kami kay Raven nung sinabi niya yun.
"What rule?" Bigla naman naming narinig yung boses ni Dash mula sa pinto.
Andito kami sa sala ng bahay namin. Nagpe prepare para sa pageant bukas.
"Yung rule mo Pres na do not fall inlove with your classmate." Tugon ni Jaeden.
"Psh." Rinig kong singhal ni Dash.
"I created that rule in purpose." Dagdag niya.
"Ano? Para hindi namin pormahan si Cassie?" Nag asaran silang lahat.
I looked down. Nakakahiya, I know I'm blushing right now.
Nung nagsawa na silang asarin ako, napagpasyahan namin kumain. Halos lahat ng kaklase ko ay andito, ganun sila ka supportive.
"Oy balita ko puro science daw ang itatanong bukas sa Q&A. Anong inaral niyo?" Tanong ni Iyanne habang nakain kami ng pizza.
"Science and Math." Sabay kaming sumagot ni Dash.
Buong week, andito siya sa bahay para pag aralan namin ang mga possible na question para bukas.
I admit na mas lalo akong nahuhulog sa kanya, presensya pa lang niya nahuhumaling na ako, pano pa kaya yung nawitness ko kung gaano siya katalino. He's good in everything, in every ways.
Nung lumalim na ang gabi, isa isa na silang nagsi uwian.
"I'll catch you up tomorrow night, I can't wait to see you being more beautiful, Akirah." Sabi niya using his Low and husky voice. Hindi ko na napigilang ngumiti, kinilig ako. Nasa gate kami ngayon at handa na siyang umalis.
"Yea bye. Take care!" Paalam ko.
"So cute, Look at yourself, you're blushing huh."
Pinisil niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko bago niya ako talikuran at umalis. Napasimangot ako habang inaayos ang nagulo kong buhok.
Matapos kong maghapunan, umakyat na ako sa kwarto at naghanda na para matulog.
Habang nakatulala sa ceiling kwarto ko, naisip ko kung gaano ako ka swerte para muling makasama ang taong mahal ko. It's really true that everything takes time. It's worth the wait. Ngayong andito na siya kasama ko, isa lang ang tanging tumakbo sa isipan ko buong gabi....
Kelan kaya kami magkaka label?
___________________
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nag ayos muna ako ng kwarto dahil wala akong magawa. Mamaya pa ang pageant at napaka aga pa para maghanda.
Kung ano ano lang ang ginawa ko habang naghihintay na sumapit ang alas-5 ng hapon.
"Hey sis! Ayusan ka na namin!" Bungad ni Aira pagdating niya ng bahay.
She's with Iyanne, Yanna and Marianne. They are my classmates. Kasama din nila ang dalawang make up artist na mag aayos sakin.
They put some make up on me and they worked on my hair.
Naghintay ako ng ilang oras bago sila natapos sa kakaayos sakin. Naka braid ang buhok ko sa magkabilang gilid at naka bun din. They pulled out some hair strands para magmukang messy bun.
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomanceBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...
![Unfaded Love [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/240690264-64-k943196.jpg)