Chapter sixteen

55 11 0
                                    

"What happened?" tanong samin ng guidance counselor.


Nasa guidance office na kami ngayon.Kasama ko sila Jaeden, Zahaira, Deinzer at si Aria.


"I saw Ms. Aria, she's pulling Cassie's hair in the cafeteria." Si Deinzer ang sumagot.


"Okay? So Ms. Aria De Alsadez, Tell me, bakit mo sinasabunutan si Ms. Cassiopea."


 Lahat kami nakatingin kay Aria, inaantay yung walang kwentang paliwanag nya. Di naman kase Valid yung reason nya e!

"Uh... ano po kasi Ma'am... Si Cassie po..." Wow! Alam nya name ko. Nakiki Cassie di naman kami close.


"Ano? Go on ....continue." "Kinain nya po kasi yung pagkain na ibinigay ko po kay Pres." pagpapatuloy nya.


"Then? wala namang masama dun ah. Unless inagaw nya yun kay Mr. Craine." sabi ng guidance counselor.


"Hala ma'am! Hindi ko po yun inagaw. Binigay po sakin yun ni Dei- .... Pres." depensa ko.


"Oh... I think, nothing's wrong with that. Binigay naman pala eh." tumatango tango pa si Ma'am."Tsaka Ma'am hindi lang po si Cassie yung kumain nun. Ako din po binigyan nya." Pati si Jaeden nagsalita na din.


Namumula na si Aria. Pero nagawa parin nyang irapan ako.


"Pero po kasi..."


"Cut it off Aria. No need to explain yourself. Kitang kita na ikaw yung may mali." putol sa kanya ni Deinzer.


"Eh?!? "


"Okay.Mr. Craine is right. It's your fault mali parin na sinabunutan mo si Cassie. That's against our rule.. So Ms. De Alsadez, May one violation ka na and your punishment is... you need to clean the girl's bathroom sa 1st floor. Mamayang 4 pm after class."


Naks! Gandang punishment bagay sa kanya. Halatang hindi pa sya marunong maglinis ng CR. Kawawa naman.


"What?!? Bakit naman po ga----"


"You may go now." hindi na natapos ni Aria yung sasabihin nya.


Nauna na akong tumayo at lumabas na kami nila Jaeden at insan.Nagpaiwan si Deinzer sa loob.Nung lumabas na si Aria, ang sama ng tingin nya sakin.Lumapit pa sya sa harap ko.


"You!" dinuro pa nya ako.


" It's all your fault! Hindi pa tayo tapos! I'm the queen here.... expect my revenge. I will make you regret everything!" tapos tinalikuran na nya ako.


"Share mo lang?!" sigaw ni Aira pabalik sa kanya nung nakalayo na sya.


"Hayaan mo nalang." sabi ko.


Hindi naman ako natatakot.Sanay na naman ako, ganito din naman ako sa dating university.__________________

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon