"Lt yung mukha ng Yshamane ah! Whahahah!" hanggang ngayon natatawa parin si Aira sa nangyari kanina.
Andito kami ngayon sa sasakyan papunta na kami sa S.U. nakuha na namin yung requirements ni Andrea kaya yung samin naman.
Nalaman namin na yung Ysha pala na yun yung laging nagbubully kay Andrea. Insecure kay Andrea. Ayaw matanggap na mas matalino si Andrea kaysa sa kanya kaya yun, nang-aaway.
"Hahahha! Oo nga kawawa naman sya." sagot ko.
"Mga ate nakaka-awa naman si Ysha. " napalingon ako kay Andrea nung nagsalita sya.
"Alam mo Andrea. Alam naman namin yon. Ang kaso lang, dapat marunong kading maawa sa sarili mo. Hindi din masama yun. Tsaka it's for her own good. Kung nasaktan man sya or napahiya, ok lang yun atleast marerealize nya na mali sya." paliwanag ni Aira.
"Ahhh ok po. Thank you din po kasi pinagtanggol nyo ako."
"Ok lang yun, sanay na ako" sarkastikong saad ni Aira tapos tumingin sya sakin.
"Alam mo ganan din yan si Cassie. Madami ding meangirls dito. I think di naman mawawala yun sa schools. Pero ako laging nagtatanggol dyan peti si kuya Kerwin mo. Alam nyo guys, hindi naman masamang magtaray at maging palaban. Dapat kaya mong ipagtanggol yung sarili mo. Wag mong hahayaan na maapi ka nila. Basta may limits ka."
"Ganon po"
"Oo, ngayon lilipat na tayo sa same school panigurado madami ding meanie dun. You two should change yourselves na. Dapat di na nila kayo kakitaan ng kahinaan, dapat palaban lang. Pero di ko sinabing pag may umaway sa inyo sabunutan nyo. HAHHAAH! ano kayo isip bata? Syempre di din dapat basta basta naganti. Tignan nyo muna kung nareach na talaga nila yung hangganan ng pasensya nyo and if ever na nangyari yun, fight them through words lang okay?"
"Ok po"
"yeah right"
daming alam ni Aira. Pero naisip ko din na tama sya.
Kaya na natatake advantage nila kabaitan ko. From now on, di na ako yung mahina. Maybe It's time na din para magbago. Pero hindi ko sinabing di na ako mabait. It's just like, lalagyan ko lang ng konting spice yung sarili ko.
Kaya siguro madali lang sa kanila na saktan ako, maliitin at iwan ako. Madali din kasi akong magtiwala kaya ayun yung mga akala kong kaibigan ko, tinatraydor lang pala ako. Yung akala kong mahal ako, kaya palang talikuran ako.
"Ma'am andito na po tayo" sabi ni Mang Otep, driver namin.Andito na pala kami sa S.U. bumaba na kami ng kotse. Pinagmasdan ko yung Campus, grabe mamimiss ko to.
"Ok ka lang?" tanong sakin ni Insan.
"Ha?"
"tinatanong ko kung okay ka lang?" ulit nya.
"Oo bakit naman hindi?" painosente kong tanong kahit alam ko kung anong tinutukoy nya.
Nasa S.U. kami at may possibility na magkita kami. Pero ano naman ngayon? Oo di pa ako ganung nakakamove on pero yun din ang advantage pagmarunong kang tumaggap ng mga pangyayari, Hindi ka na ganung masasaktan.
"Bahala ka nga dyan! Painosente kahit alam naman sinasabi ko." nauna na silang naglakad papasok sa loob.
Bumuntong hininga ako bago sumunod sa kanila. Ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako. Alam kong may possibility na magkita kami kaya prepared na ako sa kung ano mang masasaksihan ko.
Naglalakad kami sa may hallway, walang masyadong estudyante kasi classhour naman. Dumiretso lang kami sa office para ayusing mga requirements.
Hindi na din naman kami nagtagal kase sabi sila na daw bahala sa lahat. May binigay lang saming ilang papers na di ko alam kung para saan, ibigay daw namin to sa guidance or sa office basta mga requirements to. Pagkatapos nun nagpaalam na kami. Pumunta din kami sa faculty para magpaalam sa mga naging teachers namin.
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
Lãng mạnBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...