Chapter twenty eight

50 9 5
                                    


After a week, naging busy ang lahat. Mga nangangampanya para sa SSG election. Sabi nila ma swerte daw ako kasi hindi ko na kailangan mangampanya para makakuha ng posisyon.

Friday na ngayon at nagiisip ako ng pwede namin gawin bukas dahil weekend na.

"Akirah, sasabay ka sakin pauwi mamaya." Bungad ni Dash pagkapasok ko sa classroom.

Nasa likuran ko pa sila Zahaira kakatapos lang namin maglunch.

"Huh? Why? Kala ko ba busy ka?" Tanong ko bago umupo sa tabi niya.
Lately kasi palagi siyang nasa office busy daw siya kaso ayaw sakin sabihin kung bakit.

"Uh, your dad wants to talk to me. Sa inyo muna ako tonight."

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bat samin siya mamaya? Makikipag video call lang naman siya kay daddy.

"Why? Bat samin ka matutulog?" Nagtataka kong tanong pero may parte din na kinikilig. Makakasama ko sya mamayang gabi OMG!!!!

He just smiled at me.
"Basta." And then he winked.

Daming learn. Pero napangiti parin ako. Tsss bat kasi nakindat.

Nung dumating na ang teacher namin,nakinig nalang ako. 2nd quarter na kami. Bagong lesson nanaman.

Puro reklamo ang nabubuo sa utak ko. Pano ba naman sabi ni Sir, napag aralan na daw namin yun last year , eh wala nga akong matandaan.

Hindi ba pwdeng pag nalesson na , move on na???

Ako nga kapag mag e-exam lang nag aaral tapos after nun kakalimutan na yung lesson. Di ko nga magagamit yun sa pagta trabaho ko. Kapag ba nag architech ako, kelangan alam ko ang iba't ibang types ng hayop? Species nila? Kung pano sila nabuo? Kung pano sila nabubuhay?

Anong kinalaman ng hayop sa buhay ko? Pwede namang mag aalaga lang ako ng aso, di ko na kailangan pag aralan ang buhay ng mga Leon, tigre, ahas at mga isda. Peste.

Kahit na naiinis na, nakinig nalang ako. No choice naman baka bigla pa akong matawag eh.

Nakatulala lang ako sa sumunod na subjects ko. Hindi ko nga namalayan na dismiss na pala ang klase. Nakatulala lang ako!

"Let's go." Sabi sakin ni Dash nung nakatayo na ako.

"Papaalam lang ako kila insan." Sabi ko.

Nung sinabi kong sasabay na ako kay Dash, bibigyan nila ako ng nakakalokong ngiti. Parang mga tanga diba?

"Sige lang girl. Bye! Sabay sabay nalang kami." Paalam nila.

"Dala mo kotse mo?" Tanong ko sa kanya nung mapansin kong papunta kami sa parking lot.

"Yea."

Nung nakarating na kami sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto. Umikot siya sa kabila bago sumakay. Ang bango naman ng sasakyan niya. I think he sprayed his perfume dito kanina.

"Ang bango ah, parang pinaghandaan." Asar ko sa kanya.

Kinamot niya ang sintido niya at awkward na ngumiti.

"Uh, does it smells bad?" Tanong niya.

I laughed. He's so cute.
"No. It's good naman. I like it, paglabas ko dito amoy Deinzer Dash na ko HHAHAHAHAH"

He smirked.
"Yes, that would be better. Magka amoy na tayo. Ang baho mo kasi."

What the--- sinamaan ko siya ng tingin and he just laughed at me.

"So cute. " Dinig ko pang bulong niya.

Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa phone ko. Chinachat kasi ako nila Aira.

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon