Chapter seven

55 14 0
                                    



9:30 am na ako nagising.

Dito kase natulog tong si Aira.Tuesday ngayon pero hindi na kami pumasok. Lilipat din naman kami next week sa L.U.-- school namin.

Pupunta kami ngayon sa Santell Univ. para ayusin yung requirements para sa pag transfer. Kahit kase sa school namin kami lilipat hindi kami exempted! Lahat ng process pag dadaanan pa..l

Pagkatapos ko magdasal--- magpasalamat kay Lord... ginawa ko na yung daily routine ko.

30 minutes din bago ko natapos yung paga-ayos ko.Kaso si insan, tulog parin! Nakadapa parin sya sa kama!Nilibot ko yung paningin ko at dun ko narealize na napaka kalat ng kwarto....Ang daming balat ng chips, nagkalat din yung mga unan, kumot, mga libro, dvd's--super kalat!

"hmmmm" tumingin ako kay insan. Naka-upo na sya at nag-uunat pa.

"Oy Zahaira! Bilisan mo madami tayong gagawin."

"Napaka-aga pa Cassie, Kakagising ko lang e!" Inirapan nya ako bago sya pumasok sa cr.

Seriously?

Napaka sunget e! Sinimulan ko nang mag-imis.

Mas matagal sakin maligo yung babaeng yun.Inimis ko yung higaan, nagpulot ng kalat, nagwalis, nag vacuum, nagmop at lahat ng paglilinis na alam ko.

Antagal din bago ko nagawa lahat. Nung tapos na ako, tsaka lang lumabas si Aira.Seryoso? napaka tagal nya.

Di nalang sinabing ayaw ako tulungan kaya nagtagal sya e.

"Oh kala ko ba naligo ka na? Bat ganan yung itsura mo?" Tanong nya.

"Malamang naglinis ako. Nakakahiya kase sa bisita ko e" sarcastic kong saad. Ngumiti sya sakin, nang aasar!

"Good! Maligo ka na ulit ambaho mo Cassie. HAHHAH!" Hinagis nya sakin yung towel ko na nasa tabi lang ng pinto ng banyo nakasampay.Wengya! kaasar to!

Wala akong choice kundi maligo nalang uli, buti pambahay lang yung sinuot ko kanina.Nang matapos ko Ulit mag-ayos, bumaba na kami para kumain.

"Good Morning sa inyo." bati samin ni Yaya Che na nag aayos ng pinag kainan, kakatapos lang ata ni Daddy.

"Morning yaya!" bati ko din

"Umalis na po ba si daddy?" tanong ko.Umupo na ako sa upuan katabi ko si Aira.

"Oo kaka-alis lang. Binilin nya sakin na dapat daw pumunta kayo sa Santell University. Ipaayos nyo daw yung requirement. Tapos dumiretso daw kayo sa office nya para ipasa yan."

"Okay po salamat!"

Kumain lang kami ni Aira. Gutom much kami pareho . Brunch na to kase 11:30 na din.Sinigang yung ulam!

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nung dumating si Andrea.

"Good Morning mga ate!" bati nya samin.

"Good Morning Andrea" sabay na bati namin ni insan sa kanya.

"Andrea, gusto mo bang sumama samin ni Cassie, pupunta kaming L.U. Sumabay ka na samin ayusin yung mga requirements mo."

Ngumiti samin si Andrea.

"Sige po ate! Anong oras po ba aalis?"

"After natin kumain. Mag aayos lang kami saglit tapos aalis na." sagot ko.

"Sige po ate! wait nyo po ako mamaya ah!"

"sure!"

_____

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon