Chapter six

83 22 1
                                        


[Present time]

"Eh bakit ka lasing? " tanong ni Aira nung tapos na ako magkwento.

"Malamang uminom sya ng alak kase broken sya." pambabara ni kuya kay insan. I saw my cousin rolled her eyes.

"Alam mo kerwin, nakakapika ka na!" sigaw ni Aira kay kuya.

"Sorry na. Joke lang eh!" sagot ni kuya tapos tumingin sya sakin.

"So, cassie ano nang nangyari nung umalis ka?"

Inalala ko yung mga nangyari kahapon.

"uhmmm....ano.... tumakbo ako nun nang tumakbo. Tas di ko namalayan na nakauwi na pala ako. Sakto walang tao kase, namalengke ata sila yaya. Dumiretso ako dun sa bar island. Then uminom ako. Gusto ko kasing makatulog para naman kahit papaano eh, malimutan ko muna yung mga nangyari. " kwento ko uli.

"Ahh... eh nakatulog ka naman ba?" tanong ni insan.

"Oo pero alam nyo, nung umiinom ako kahapon, feeling ko nakita ko si ano...." di ko tinapos yung sasabihin ko.

Di ko kase alam kung totoo ba yun o panaginip lang. Imposible kasing sya yung nakita ko eh! After 11 years parang naramdaman ko nanaman ang presensya nya.

"Sino" sabay na sagot ni Kuya at Aira.

"Si... Si Dash" sagot ko.

"Ha?!?"

"Imposible!"sabay ulit na sagot nila.

Oa much! pero siguro panaginip lang yun, Imposibleng makita ko ulit sya. Kung makita ko ulit sya, malabo ding makilala ko sya agad.

After 5 consistent years, di ko sya nakita. Baka iba na din ang itsura nya ngayon.

"Tsk! Yaan nyo na yun, baka panaginip ko lang." Sabi ko tas tumayo na.

"Oy teka! San ka pupunta?" hinawakan ako ni Aira sa kamay.

Nakatayo na ako habang sila ni kuya nakaupo parin. Kumunot yung noo ko. Oa talaga to!

"Maliligo. Kakagising ko lang Aira. At sobrang init. Bawal ba akong bumangon sa kama?"Nagkamot sya ng ulo at inalis din yung pagkakahawak sa kamay ko.

"Ano... kase kala ko kung saan ka pupunta. Nakakagulat lang kase maliligo ka. Parang normal lang lahat ng kinikilos mo." Huh? ano naman kung normal ako? Abnormal ba ako dati?

"Ewan ko sayo! Ano bang inaasahan mong gagawin ko?" tanong ko.

"Hmm.... base sa mga nababasa ko at napapanood, kapag broken yung isang tao, nasa kama lang sya at nagmumukmok. Di naliligo, walang ganang kumain at sobrang lungkot." tumingin sya sakin mula ulo hanggang paa bago magsalita ulit.

"Pero sa case mo, kahapon ka lang ata naging miserable. Kase ngayon, kahit namamaga yang mata mo, parang okay lang ang lahat. May gana kang maligo at kumain."

Tsk! Big deal ba yun????

"Hayaan mo na sya Zahaira. Tara na muna sa baba." Yaya ni kuya kay insan.

Nakatingin lang ako sa kanila.

"Cassie, wag kang magbibigti ah." Binatukan ko siya.

"Oo na, ingay mo."

Pagkaalis nila, kumuha na ako ng mga damit at towel tsaka dumiretso sa banyo. Pagpasok ko hinubad ko yung mga damit ko at humarap sa salamin.

Pinagmasdan ko yung itsura ko....Grabe ampangit ko na!

Namamaga na yung mga mata ko kakaiyak.Habang pinagmamasdan ko yung itsura ko, narealize ko na kahit pala ipikit ko yung mata ko, maglasing at umiyak ng umiyak.

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon