"I can't believe it! Bakit naman ganun?" inis na sabi ko habang naglalakad kami ni Aira papuntang classroom.
Si Andrea pumunta na din sa room nya. Nasa unahan namin sila Mr. Craine at Lawrenz.
"Tanggapin mo nalang gurl. Sundin nalang natin si tito. It's for your own good naman. Tsaka mukang mabait naman yung ka partner ko, ewan ko lang yung sayo." bulong nya sakin. Baka kasi marinig kami nung dalawa.
"Aish! ewan ko nalang. Wala naman akong magagawa. Tsaka alam mo ba,yung Mr. Craine ano...."
"Ano?" tanong nya.
"Parang.... Parang sya si Dash." sabi ko.
Di ako pwedeng magkamali. Sya si Dash e! Sa Aura, sa features , sa kilos. Pero di ko alam kung bakit parang ang sungit nya sakin, na parang di ako kilala.
"Huh? Porket magkahawig ng konti si Dash agad? Medyo imposible e. Sabi kasi ni tito matagal na yan dito, eh si Dash ilang taon nang wala. Kung sya si Dash mo edi sana matagal na tayong nagkita kita diba? Tsaka hello? magkaiba sila ng surname."
Napaisip ako dun. Oo nga noh? Pero kasi... parang sya talaga yun e!"
"Sabagay, hayaan na malalaman ko din yan." sabi ko.
"Ewan ko sayo! Porket wala na si Yander, babalik ka nanaman kay Dash, hinahanap hanap mo nanaman sya." asar sakin ni Aira.
Hihilain ko sana yung buhok nya kaso inilagan nya ako at nakisabay maglakad kila Lawrenz.Tss masyadong epal!
"We're here." sabi ni Mr.Craine. Pumasok sya sa isang room na nasa dulo.Sumunod naman yung dalawa.
Ang gulo ng mga students, yung mga upuan wala sa ayos, ang daming kalat at... ang ingay.
"Woi! Tigil na kayo! Andito si Pres!" sigaw ng isang lalaki, nasa unahan sya sa bandang pinto kaya nakita nya agad kami.
Biglang tumigil sa kaguluhan yung mga students at unti-unting humarap samin. Gulat yung iba.
"What's going on here?" tanong ni Mr. Craine.Walang sumagot sa kanya. Pero dali-dali nilang inayos yung mga upuan sa pati yung mga gamit na nagkalat.
"Uh...Sorry Pres." sabi nung isa pang lalaki, nakasalamin sya mukang at it looks like na sya lang yung matino dito.
"Let's have a seat." sabi ni Mr. Craine.Pinaupo nya kami dun sa last row.Nakakainis lang dahil magkatabi kami.Bale ganito yung ayos...
Mr. Craine---Ako----Zahaira---Lawrenz
Pumunta sa harapan si Mr. Craine.
"Guys, I would like to tell you na makakasama nyo ako at si Lawrenz this school year, Wala namang ibang reason kung bakit bukod sa hindi pa namin gustong mag Senior High. Inaprubahan naman to ng dean at dito kami inilagay sa Section C para mabantayan kayo. Ang section C kasi ang may pinaka madaming record sa guidance office. Kaya from now on, inaasahan kong susunod na kayo at magtitino. Ako and si Lawrenz ang magiging president at Vice president ng classroom. May mga rules akong ginawa. And ididiscuss ko yun afterclass. "
"Ano ba yan!"
"Wala nang freedom huhuhu!"
"Patay! Si pres kaklase natin."
"Mahigpit yan."
Puro reklamo yung naririnig namin."Eh pres, sino naman yung dalawang babae na kasama nyo? Bago lang sila?" tanong ng lalaking nasa bandang pinto kanina.
"Uh,Yes. Before I forgot. May transferee tayo. Galing silang Santell University. Girls, introduce yourselves here." utos nya samin.Ano ba yan! Simula daycare, palaging may introdunce yourself! Nakakasawa na ah! Pumunta ako sa harapan kasama si insan.
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomantizmBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...
![Unfaded Love [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/240690264-64-k943196.jpg)