Chapter fourteen

47 11 0
                                    



"Si Akirah."


Paulit ulit nang pumapasok sa isip ko yung binulong ni Deinzer sakin nung nakaraang gabi.Sunday na ngayon at kaka alis lang ng mga kaklase ko kanina.Gusto kong itanong kay Deinzer yung tungkol sa sinabi nya kaso paggising ko kinaumagahan nun, nalaman ko na umalis sya kasi may importanteng aasikasuhin daw. Feeling ko talaga sya si Dash eh! Pero dahil sa wala akong evidence, di ako makagawa ng conclusion.


What if coincidence lang na pareho kami ng pangalan ng babaeng tinutukoy ni Deizer?What if, nag aassume lang ako na iisa lang si Akirah na sinasabi ni Deinzer at ako?What if ,hindi naman talaga sya si Dash?


Ang daming tanong ang nabubuo sa isip ko.Mas lalo tuloy akong na cucurious tungkol kay Deinzer at mas lalo tuloy akong na momotivate na hanapin si Dash.


"Aish! Cassie wag mo na nga yun isipin muna, baka magkapangalan lang kayo." sabi ko sa sarili ko.


Nagshower na ako at nag ayos. Pupunta kami sa church ngayon. Kasama ko sila Kuya Kerwin at Zahaira.


Pag baba ko andun na sila pero nagulat ako nung makita ko si Deinzer at Jaeden.

"Oh? Bakit andito kayo?" tanong ko.


"Tss, binilin ka samin ng daddy mo remember?" sagot ni Deinzer.


Hala oo nga pala! Bawat labas ko at kung san ako pupunta dapat alam nila at kasama sila.


"Hala! Baka busy kayo, pwede naman na kami nalang alam nyo naman kung san kami pupunta. Sabihin nyo nalang ka daddy na safe kami. Di naman nya mala----" naputol yung sasabihin ko nang magsalita si Jaeden.


"Ano ba yan Cassie! Nakaka hurt ka naman! Parang ayaw mo kami kasama at pinagtatabuyan mo kami!" sabi nya at umaktong naiyak pa.


"Hala sorry! I didn't mean to hurt you! Ang sakin lang, baka busy kayo."


"Tss, It's our responsibility. Free din kami since sunday ngayon.Kaya nga kami andito diba?" inirapan ko nalang si Deinzer.


Sabagay may point sya."Alright alright! Let's go."


Pagdating sa Church,ang dami nang tao.Naghanap kami ng pwesto sa may unahan.Katabi ko sa kanan si Aira tapos sa kaliwa naman si Deinzer.Natugtog na yung banda para sa praise and worship.


Kumanta kami ng:


Way Maker by Leeland

Alive by Hillsong

Safe by Victory Worship

Ocean by Hillsong


Pagkatapos nun, nag scripture reading na yung Pastor.Halos 1 oras din kami dun.After namin magsimba, dumiretso kami ng mall.Bibili kami ng mga kailangan para sa group work namin. May assignment pala kami at report na gagawin. Buti nalang kami kami din ang magkakagrupo.

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon