Prologue

302 37 33
                                        


"Cassie anak, wake up." Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong gumigising sakin. I slowly opened my eyes and there I saw my dad with Aira and kuya Kerwin.

"Cassie are you okay?" tanong ni Aira. Di ako sumagot. Sinubukan kong umupo ng ayos pero napahiga lang uli ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Aish! hang over!!!

"My head aches dad."

Hindi na ako nabigo nang sinubukan kong umupo uli. Kinuha ko yung tubig sa may side table ng kama ko at inubos ko yun. Grabe uhaw na uhaw ako.

"Here take this." may inabot sakin si Aira na gamot. Para ata to' sa sakit ng ulo. Binigyan nya ako ng panibagong tubig para sa iinumin kong gamot.

"Masakit paba ulo mo? Anong nangyari?" Napalingon ako kay kuya nang magtanong siya.

I shook my head.. Masakit parin kase yung ulo ko and at the same time hindi ko masyadong maalala yung nangyari.

I heard my cousin sighed.

" I don't know what exacty happened. After kase nung celebration sa resto, naghiwa-hiwalay na muna kami. Ang alam ko magkasama si Yander at yang si Cassie. Pero buong afternoon class di pumasok yung dalawa. Hinanap ko si Cassie kay Yander pero nung nakita ko sya ,sabi nya hindi daw nya alam. Nung tinanong ko kung bakit di na sila magkasama... ayaw naman sumagot ng lintek! Tulala lang kaya umalis na ako. Hinanap ko na sya sa buong school then pumunta ako dito nadatnan ko sya nakita natutulog at amoy alak. May hawak pa syang letter, yung binigay nya kay Yander kahapon." paliwanag ng pinsan ko.

Unti-unting nagsink in sakin yung nangyari. Hinanap ko yung letter na nasa kama at pinagmasdan ko yun. In just a snap, namalayan ko nalang yung sarili ko na umiiyak.

"Darling, anak what's wrong?"tanong ni daddy.

"Please tell me. I'm worried na."

Umiiling lang ako. There's a lump in my throat, stopping me from uttering a word. Patuloy padin ang pag-agos ng luha ko. Inaalo ako ni daddy at hinahagod yung likod ko para kumalma ako at tumahan.

Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko gamit yung likod ng aking palad. Huminga ako ng malalim at yumuko. Pa-ulit ulit din yung paglunok ko hanggang sa magkaroon ako ng lakas na magsalita.

"I br- broke up...... w-with...... h-him d-dad." Yun lang ang nasabi ko.

"How is that possible? Kahapon lang kayo ng celebrate ng monthsary nyo ahh." Ani kuya Kerwin.

"It's a long story kuya..... May nangyari kase. And I planned it. Before our monthsary, makikipagbreak na dapat ako sa kanya. Pero gusto ko pa din i-celebrate yun kaya tinuloy ko parin. Sayang yung effort natin dun ehhh..... Kaya for the last time, nagcelebrate kami......"

Hindi ko na natapos pa uli yung sasabihin ko dahil hindi ko nanaman mapigilang maluha.

I hate my self! Ako na yung nakipaghiwalay pero ako parin yung umiiyak.....Yumakap sakin si daddy at patuloy parin nyang hinahagod yung likod ko. Dahil dun, naramdaman ko yung pag-aalala at pagiintindi nya.

"Darling, I know you're hurting. Pwede mo saming sabihin ang lahat, pero kung di mo pa kaya, It's okay, maghihintay akong magsabi ka."

"Thanks Daddy." I hugged him.Maya-maya sya na yung kumalas sa pagkakayakap sakin. Humarap sya sakin at gamit yung kamay nya, itinaas nya yung baba ko para magtama yung paningin namin.

"I'm always here for you darling. But for now, I think I should go. Magpapahanda ako ng lunch nyong tatlo. Iiwan muna kita kila Zahaira hmm? Sa tingin ko sya ang mas makakatulong sayo dyan sa problema mo. Okay?" halata parin na nag-aalala sya pero nakangiti sya sakin.

I forced a smile.

"Okay."

"So anong gusto mo for lunch?" tanong ni Dad. Nag-isip ako...

"I'm craving for Beef steak and Sinigang. And a strawberry ice cream please." sagot ko. Ngumiti sya at tumango.

"I know you'll ask for that. You're always craving for those foods. Those are your favorites."

Hinalikan nya ako sa pisngi tsaka tumayo. Nagpaalam na din sya kila Aira at kuya Kerwin. My dad really knows how to comfort me.

Pagkasara ng pinto, si Aira naman yung pumalit sa kaninang pwesto ni Daddy.

Huminga uli ako ng malalim. Kailangan ko ng lakas ng loob para magpaliwanag at mag kwento sa kanila. Alam kong magtatanong sila lalo na si Aira.

"Infairness ahh! Ikaw lang yung kilala kong brokenhearted na hindi nawalan ng ganang kumain." aniya. Halata naman na nag-aasar sya. Pero alam ko na pinapagaan nya lang yung loob ko.

"Stop that Zahaira. Stop teasing Cassie kahit ngayon lang." suway ni Kuya.

"Eh? What's wrong? Yung iba kase pag broken hearted, walang ganang kumain tsaka nagkukulong lang. Si Cassie, ang daming appetite. "

"Shut up. Kitang may pinagdadaanan si Cassie tapos ikaw ay panay asar lang." suway nanaman ni kuya.

"Sorry na." sabi ni Aira.

Kahit malungkot ako ngayon, Di ko parin maiwasang isipin na ang swerte ko sa dalawang to'.

"So, pwede mo bang ikwento samin ang nangyari Cassie?" tanong ni Kuya Kerwin.

Yumuko ako. Di ko kasi kayang tumingin sa mga mata nila. Ayokong nakikita nila ako nasasaktan at mahina.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Aira.

"Ano ka ba naman Kerwin, fresh pa yung nangyari syempre di pa kaya yan ni Cassie. Duh?" Mataray nyang sabi.

Kahit kelan tong si Aira, napaka sungit pero ang daldal naman.

"Hindi ayos lang. Magkukwento ako. Sana maintindihan nyo ako ah. " ani ko.

"It's okay. Kahit anong mangyari maiintindihan kita" Hinawakan ni kiya ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko na sincere sya at naging dahilan yun kaya gusto ko talagang magkwento. Bukod kay daddy alam kong sila ang makakatulong at iintindi sakin.

"Oo nga Cassie. We're always here for you. So tell us what happened."

Mas lumapit si Aira sakin. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ko ikwento ang lahat sa kanila.

Simula nung naghahanda kami para sa celebration sa resto.

____ To be continued______

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon