"Ate Cassie?" Napalingon ako sa likod ko nung narinig ko ang tawag sakin ni Andrea. Gabi na ngayon at tulog na sila mommy pati ang mga kapatid ko.
"Why Andrea? You need some help?" Tanong ko sa kanya. Nasa kusina kasi ako ngayon, umiinom ng chuckie.
"Gusto ko po sana magpatulong dito sa assignment ko. Gagawa po kasi kami ng Poster about hobbies and talents na mayroon kami." Tumango ako. Wow, poster making pala. Niyaya ko siya papunta sa living room para dun namin gawin yung assignment niya.
Itinuro ko sa kanya kung ano-ano ang kailangan niyang gawin.
"Mag-isip ka ng mga bagay na nagsi-symbolize ng gusto mo. Tapos kapag may naisip kana, idrawing mo yun. Kapag naman magdo-drawing ka huwag yung masyadong maliit. Medyo lakihan mo para pag kukulayan, hindi ka mahihirapan."
Itinuro ko din sa kanya kung paano yung tamang pagkukulay gamit yung oil pastel. Inabot din kami ng halos isang oras sa paggawa nun.
"Salamat ate!" sabi ni Andrea after ng nagawa namin. Ang ganda!
"Welcome." Ngumiti ako sa kanya. Nagulat pa ako nung niyakap niya ako nang mahigpit.
"Ang swerte po talaga ng mga kapatid mo sayo ate. Sobrang sweet at ang bait mo po." Ginantihan ko yung yakap niya.
"Salamat. Sana nga maging close na ulit kami." Mahinang ani ko.
"Matulog ka na. Agahan mo gising bukas isasama kita sa pupuntahan namin." dagdag ko pa.
Agad siyang kumalas sa yakap ko at ngumiti sakin.
"Sige po ate! Nayt nayt!" Natawa naman ako. She's so cute.
"Nayt nayt." Hinalikan ko ang ulo niya bago siya umalis at bumalik na sa kwarto nila ni yaya.
Paakyat na sana ako nang nakita ko si Carylle na nakadungaw mula sa hagdan. Gising pa siya?
I smiled at her. Tatawagin ko sana siya para yaain sa kwarto ko kaso inirapan niya ako at tumakbo na pabalik sa kwarto niya.
I sighed. Is she mad at me? Sa isang linggong magkasama kami sa bahay, she's always rolling her eyes at me. Lalo na pag nakikita niyang kinakausap ko si Andrea. Ang hirap niyang kausapin, sa tuwing lalapit ako agad agad siyang tatakbo papalayo. Ang layo ng ugali niya kay Kyle. Si Kyle naman napaka clingy at sweet. Although makulit minsan dahil lalaki siya.
Bago ako matulog, binuksan ko muna ang messenger ko baka sakaling may nag chat sakin. Hindi naman ako nagkamali dahil may tatlong message akong natanggap mula kay Dash.
Dash: Hey, I just wanna say Good Night.
Dash: Sleep well.
Dash: (Sent a voice mail.)
May vm siya. Pinindot ko ito para mag play. Tinatapat ko pa ito sa tainga ko.
"Hey babe. Good Night. I love you." Napaka ikli lang ng vm na yun pero napangiti ako ng sobra. I'm inlove with his voice....
Nag reply ako.
"Good Night Dash. ILYT."
Inintay ko pang mag delivered yun bago ako nag offline. Baka pag hindi ako nag off, mapuyat ako.
Lord, Thank you for giving me a chance to have a man like him... Thank you so much!
I prayed before closing my eyes. Natulong akong may ngiti sa labi.....
Kinabukasan, nagising ako sa katok sa pinto ko. Kinusot ko ang mata ko at tinignan ang oras. 7:30 am na pala.
Bumangon ako para pagbuksan ang kumakatok.
![](https://img.wattpad.com/cover/240690264-288-k943196.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
Любовные романыBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...