Chapter two

70 9 15
                                    


I asked our family driver—mang otep to take us to the mall. Kaka message lang din sakin ni Kuya, mamaya pa daw siya makaka punta dahil may mga paper works pa siyang tinatapos.

Pagdating sa mall, niyaya ko muna sila sa national book store. May binili lang ako na kasama sa ibibigay ko kay Yander bukas. Tapos nun,nagshopping kami. Bumili ng mga damit, new shoes, bags tapos ilang gamit namin sa school. May mga projects din kasi kami na ipapasa next week. Binilhan din namin si Andrea. Gusto ko yung taste nya sa mga style ng damit. Pero hindi gaya ko, Hindi masyadong mamahalin yung mga pinili nya. Hindi ko na sya pinigilan.

After buying some groceries, we ended up at the Ice cream shop.

"Ahm, Andrea diba sa public school ka nag-aaral?" Tanong ko breaking the silence.

"Opo." Mahinang sagot niya habang sumusubo ng ice cream.

"Madami ka bang friends dun?"

"Meron naman po kaso secret lang po natin to ahh! Madami pong bullies sa school namin. Ayokong sabihin kay mama na minsan inaaway nila ako." Pareho kaming nagulat ni Aira sa sinabi ng bata. We didn't expect that. At her young age she's experiencing that kind of shits?!?

"Ganun ba? hindi magandang mag-aral ka dun. Hayaan mo kakausapin ko si daddy, sasabihin ko dun ka na sa school namin."

" Kaso baka ayaw ni mama, Madami na daw naitulong si Sir Harvin nakakahiya naman daw po."

"Ako nang bahala. Ipapakuha kita ng scholarship para wala nang babayadan si Yaya , just promise me na aayusin mo studies mo." I smiled at her.

"sige po ate, I promise." She even raised her right hand to showing me her promise.

Pagkauwi namin, nagsimula nang magluto si Aira. Oo si Aira lang tinamad na akong magpaturo eh.

Kakausapin ko muna si Yaya tungkol dun sa napag-usapan namin.Inilagay mo muna sa kwarto ko yung ibang pinamili ko at yung ibang groceries naman ay sa kusina. Pumunta ako sa garden at nakita ko dun si Yaya na nagwawalis. Nilapitan ko sya.

"Yaya Che." tawag ko.

"Oh bakit? anak?" Agad siyang naglakad palapit.

Inaya ko si Yaya na umupo muna. Kinuwento ko sa kanya yung sinabi sakin ni Andrea at yung sinabi kong paglipat ni Andrea ng school.

"Nako, Cassie, sobrang salamat talaga. Di ko alam na ganun pala yung school nila Andrea." I saw how worried she is.

"Okay lang po yaya. Wag na kayong mag-alala sa gagastusin pang tuition ni Andrea, Ikukuha ko po sya ng scholarship. Matalino naman po si Andrea gaya ng sabi nyo kaya hindi na po kayo mag babayad. Magkakaroon din po sya ng allowance, sasabihin ko yun kay daddy."

"Salamat talaga anak. Kahit sabihin mo na pamilya na tayo, di ko parin maiwasan na mahiya sa inyo." tumungo siya.

"Masanay na kayo Yaya." I hold her hands, tumingin ulit sya sakin at ngumiti kami sa isa't isa.

Nagpaalam na din ako na pupuntahan ko muna si Aira.Ang sarap sa pakiramdam na makatulong lalo na sa mga taong mahalaga sa'yo.

Pagdating ko dun, tapos na magluto si insan at nagulat ako kasi andun na si Kuya Kerwin.

"Ohh kuya kala ko mamaya ka pa?" tanong ko.

"Bakit ayaw mo ba na andito ako?" tanong ni kuya.Ngumuso ako, grabe ganun agad?

"luh!"

"Joke lang! Maaga ko na kasing natapos. Kaya dumiretso na ako dito wala na akong gagawin."

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon