Chapter Five

71 23 0
                                    


Kanina pa ako naka-upo dito pero wala pa rin si Yander. Ilang minute nalang magstart na yung afternoon class ko. Asan na ba sya?

"Cassie!" narinig kong may tumatawag sakin.

Nilingon ko kung saan ko narinig yun at nakita ko si Kent na tumatakbo papunta sakin. Best Friend sya ni Yander.

"C-Cassie.." Hirap na hirap na tawag nya nung makalapit sya sakin. T

umungo muna sya at ginamit ang tuhod bilang suporta. Hinihingal sya mukang ang layo ng pinanggalingan nya. Pwede naman kasing maglakad eh!

"Why?" tanong ko nung naka-ayos na sya ng tayo.

"Oh eto tubig uminom ka muna." inabot ko sa kanya yung tubig ko sa bag.

Hindi kase sya makapag salita sa sobrang paghahabol ng hininga.

Kinuha nya yung mineral water at dirediretsong ininom. Nung tinignan ko yung bote, grabe wala nang natira. Kulang nalang pati yung bottle inumin eh!

"Thanks Cass." sa wakas, nakapagsalita din sya.

"Oh bat ka ba andito? May kailangan ka?" tanong ko uli sa kanya.Umupo sya sa tabi ko bago magsalita.

"Wala naman. Actually si Yander ang nagpapunta sakin dito. Ako na daw maghatid sayo sa classroom nyo."

Wow! Matapos ko syang antayin si Kent pa ang maghahatid sakin. Sana hindi ko nalang sya hinintay diba?

"Bakit daw? Dapat nagtext nalang sya kung hindi sya makakabalik."

"ah eh.... ano kase, basta! may importante kase syang ginawa... natagalan."

"Ok. Asan ba sya? Pupuntahan ko bago ako pumunta sa clasroom." sabi ko tas tumayo ako bitbit yung bag ko.

Maglalakad na sana ako paalis nang hinawakan ni Kent yung braso ko.Humarap ako sa kanya. Nakatayo na din sya.

"Bakit?" tanong ko.Nagkamot sya ng batok habang nakayuko.

"Cassie, kase sabi ni Yander wag na daw kitang hayaan sundan sya.Ihatid na daw kita eh!"

"Uhm, thanks nalang, I'll find him. May importante akong sasabihin sa kanya." dahilan ko.

Actually wala naman akong sasabihin. Itatanong ko nalang kung sabay kami uuwi mamaya.

"Baka malate ka na?..... Tama! Malalate ka na kaya tara na! Mamaya mo na sya kausapin!" Mukang nagmamadali sya. Hinila na nya ako papunta sa building namin.

Kanina pa to eh! What's his problem ba? Kinukutuban na ako...

I think there's something na ayaw nya sakin ipakita. Tinatago pa halata naman...Binawi ko yung braso ko sa kanya. Tumigil kami sa paglalakad.

"What's wrong ba? Pupuntahan ko lang naman sya. Hindi yun magagalit. Kahit busy sya ok lang naman sakanya na andun lang ako sa tabi nya. Kaya let me follow him!"

Medyo naiinis na ako ah!Humugot sya ng malalim na hininga at pinakawalan yun. Paikot ikot din sya sa kinatatayuan nya.

"Ok I'll let you. Pero pag ako pinagalitan ni Yander, sasabihin ko nagpumilit ka."

"Oo na. Asan ba sya?"

"Andun sa dating room ng Dance troupe malapit sa gymnasium at building namin." sabi nya.

"Dating room ng Dance troupe? Bakin andun sya?" tanong ko.

"Basta. Tara na sasamahan nalang kita."

"No need." pinigilan ko sya.

Natigilan sya sa paglalakad.

"Ako nalang, pumunta ka na sa class mo 10 mins. nalang natitira." dagdag ko.Humarap sya sakin. Kitang kita ko sa itsura nya na hindi sya pabor sa sinabi ko. Pero wala syang magagawa

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon