Totoo nga yung sinabi ni Dash na dito siya mag stay for 1 week. Napakasaya ko buong linggo. Feeling ko nga mag asawa na kami eh.
Last friday din na announce ang mga napili para sa SSG officers.
President:
Deinzer Craine
Vice President:
Cassiopea Millain
Secretary:
Jaeden Lawrenz Mendrei
Treasurer:
Princess Del Rosario
Sergeant at arms:
Raven Castilus
Nakapaskil yan sa bill board ng school. I felt bad for Aria kasi hindi siya nanalo. Sinisisi niya ako para dun. Sinulsulan ko daw ang President at mga ka school mates ko.
Ang kitid ng utak niya grabe. Hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo, she doesn't deserve to be with us.
Malapit nanaman ang exams. 3rd quarter na kami next month. Napakadaming nangyari. Lalo na saamin ni Dash. Naibalik namin kung anong mayroon samin dati, yung closeness, yung sweetness at yung love.
"Kamusta kayo ni Pres?" Tanong sakin ni Marianne nung lunch time.
"Okay naman kami."
"Kayo na ba?" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong softdrink.
Kami na ba? Paano ko sasagutin yan kung hindi ko din alam kung ano.
Nag I love you-han kami sa isa't isa, sweet siya sakin, nakakatulog din siya sa bahay namin, umamin na din kami... Pero di parin official, wala paring assurance.
"Ewan ko." Sagot ko sa kanila.
"Ano ba yan Cassie, ang hina niyo naman! Bakit walang label?" Reklamo ni Aira.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh wala pa e! Di naman ako nagmamadali. Kung makapagreact ka naman ang OA! Buti nga ako, isa lang lalaki eh ikaw? Sino sa dalawa?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Kala niya ha, kala niya hindi ko alam kung anong meron sa love life niya.
"Pake mo?"
Sabi niya bago ako talikuran at kausapin si Andrea na busy sa paggawa ng assignment niya. Hindi pa daw pala kasi tapos kaya buong lunch gumagawa ng assignment.
"Itanong mo kaya kay pres kung anong meron kayo?"pagpapatuloy ni Marianne.
Agad naman akong umiling.
"Ayoko, natatakot akong magtanong. Hahayaan ko nalang na siya mismo ang mag open about dun. Tsaka masyado pang maaga para pumasok sa relationship diba? "
Ngumiwi naman siya sa sinabi ko.
"Anong masyadong maaga? Hindi pa ba paglalandian na din ang ginagawa niyo? Label lang naman ang kulang sa inyo nahiya ka pa."
"Eh nahihiya nga ako! Mag aantay nalang akong , siya ang unang magtanong kaysa ako."
"Taas ng pride ah, ikaw bahala maiinip ka din niyan."
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa classroom. Halos wala pa yung iba.
"Guys, punta daw lahat sa hall." Announce samin ni Raven.
"Huh? anong meron?" Tanong ko.
"Hindi ko din alam, biglaan lang sabi ni Pres."
Sumunod nalang kami kay Raven. Pagdating namin dun, ang dami nang student ang nakapila. Nasa unahan si Dash at ang Secretary ni Daddy.
![](https://img.wattpad.com/cover/240690264-288-k943196.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomanceBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...