"Woi san natin ipupwesto to?" tanong ni Kuya Kerwin.Kasama namin sya ngayon.
Tutulong daw sya para sa pag aayos ng party.
"Dito pre." Sagot ni Jaeden.
Kasama din tong lalaking to.Ang usapan kahapon, ako , si Aira at si Deinzer lang pero ngayon, kasama na sya. Unfair daw. Gusto nya kasama nya yung partner nya which is si Zahaira.
Inaayos nila yung mga pagkain. Nagpaluto lang din kami kay Yaya. Konti lang naman pang dinner lang tapos bukas magluluto ulit.
Bale nasa rooftop kami ngayon. May bubong naman na transparent para incase na umulan, di kami mababasa.
Dapat sa guesroom yung tulugan nila kaso, sabi ni Jaeden magkanya kanyang latag daw kami dito sa rooftop.
Kaya yun, bawat isa sa kanila magdadala ng sleeping bag at mga unan.
Naghanda din kami ng projector, snacks,drinks at mga party stuffs.Ang ganda ng ayos nya. May mga ilaw, mga couch,throwpillows, mga kumot.Dapat nga sa baba kami,sa pool, kaso bukas nalang daw yung swimming.Ang ingay nila kanina pa.Maaga kasing umalis si daddy mga 8 am ng umaga.
I will surely miss him. Ilang months din syang mag stay dun.
"Hoy Cassie, pwede bang mag inom tayo? I mean wine lang." tanong ni Jaeden.
"Sure! Wag lang hard drinks. Meron kami sa baba sa bar area." sagot ko.
"Naks sana all! Yaman nyo pala Cassie. Pa ampon ako please!" napangiwi ako sa sinabi nya.
Pa ampon talaga?
"Sira ka talaga!"
"HAHHA! joke lang!" sabi nya tapos hinila na nya si Deinzer para samahan syang kumuha ng mga drinks sa baba.
Pumunta muna ako sa may mga couch para umupo at magpahinga. Nakakapagod. Kaninang tanghali pa kasi kami nag aayos dito eh!
7 pm na. Maya maya dadating na sila. 8pm kasi yung usapan may isang oras pa di pa din ako nakakapag ayos ng sarili ko.
"Close na kayo?" tanong ni Kuya Kerwin. Umupo sya sa tabi ko.
"Nino?" tanong ko
"Ng mga classmate mo. Lalo na yung Lawrenz nakikipag asaran ka dun mukhang close na kayo."
"Ahh yun. Sa tingin ko. Hindi naman yun mahirap pakisamahan. Napaka daldal at ang ingay kaya ayun, medyo close na kami. Pero di ko parin masabing ganung ka close tulad natin. 2 weeks palang kaming mag kakasama. And di naman nya sinasabing friends or bestfriends na kami." sagot ko.
Totoong medyo close na kami ni Jaeden. Pero di ko pa alam kung ano ba kami.Friends ba or bestfriends na? Itatanong ko nalang mamaya.
"Ahh.. eh pano naman yung Deinzer?" tanong ni Kuya.Napaisip ako... si Deinzer?
"Ewan ko dun. Minsan masungit, snob tas seryoso. Minsan naman nagiging makulit din at mapang asar. Di ko alam. From now on, lagi ko na syang makakasama binilin ako ni daddy sa kanya eh." sagot ko.
"Ahhh... good to know may magbabantay na sayo. Di na ako magwoworry kung wala ako sa tabi nyo ni Aira."
Napangiti ako. Naalala ko kasi na nung nasa Santell pa kami, sya yung parang bodyguard namin. Palaging nakabuntot kung asan kami, andun din sya.Napaka protective den. Kaya minsan lang may umaway samin pag wala sya.
"Yeah. Pero miss na kita kuya. Wala ng nanlilibre sakin pag lunch at recess. Whahahah!"
"Gagi. Edi si Deinzer. Utuin mo din."
"Eh? yoko nga. Di ko mabasa yung mood nun. Paiba iba e! Baka sungitan lang ako." sagot ko with matching rolled eyes pa.
"Grabe to. Alam mo, may napansin ako sa kanya." napatingin ako kay kuya nung sinabi nya yun.
Mukhang alam ko na. Pareho din kaya kami ng iniisip?
"Ano yun?"
"Parang... parang nakikita ko si Dash sa kanya."
"T-talaga? " tumango sya.
"Oo pero di ko sure. Magkahawig kasi sila. Pinagkaiba lang e mas built in yung katawan ng Deinzer na yan, mas matangkad at mas maputi.Magkapareho sila ng name which is Deinzer. Pati yung aura na pagiging seryoso at medyo masungit."sabi na e!
Pareho kami ng iniisip ni Kuya.
"Oo nga kuya e, sinabi ko yan kay Aira kaso ayaw maniwala. Kung sya daw si Dash edi sana matagal na syang nagpakita satin. And ngayon, mukhang di nya ako ganung kakilala. "sagot ko
"Sabagay, pero what if may dahilan kung bakit ganyan sya? Kung bakit ang tagal nya magpakita at magparamdam?"
"Dahilan? Ano naman kaya?" tanong ko.
"Ewan ko pa. Wag muna tayo magconclude di pa sure. Alamin mo nalang."
"Sabagay. Tsaka kung yan si Dash, kahit masungit at seryoso yun palagi, mabait at sweet naman sakin. E yang si Deinzer napaka epal minsan tapos di ko gets yung mood. Basta, parang sya si Dash pero parang hindi din." inis kong pahayag.
"Chill lang Cassie. Wag mo munang isipin masyado yan. Malalaman din natin kung asan ba talaga si Dash mo. Kawawa ka naman kasi, wala pa ngang label iniwan ka agad sa ere."
"Anong sabi mo?" sinamaan ko sya ng tingin. Ang bastos ng bunganga ni Kuya ah!
"Hahaha! joke lang! Sabi ko babalik din yun."
"tss, Whatever!"
"Oh, aalis na ako. I need to go home na. Enjoy your party ah! Know your limits." tumayo na sya.
"Yeah right." tumayo na din ako kasi mag aayos pa ko ng sarili ko. Malapit na mag 8 pm.Pumasok ako sa kwarto at nadatnan ko dun si Aira na kakaligo lang din. Nakasuot na sya ng color dark blue na pajama.
"Aira kayo muna bahala dun ah, maliligo lang ako."
"Ge lang bilisan mo."
Pumasok na ako sa banyo at naligo.Medyo binilisan ko pa yung pagligo ko baka kasi dumating na yung iba.I wear purple pajamas.Nag ayos pa ako ng konti.Naglagay ng polbo at lip balm para mag mukhang presentable ket simple lang.Inayos ko din yung buhok ko ng pa 'messy hair bun' style.Lumabas na ko ng kwarto nang makontento na ako sa itsura ko.Paglabas ko sakto namang lumabas din si Deinzer galing sa katapat na guesroom, kakaligo lang din. Naka white naman syang sweatpants at black na sleeveless shirt.
"uh, kakalligo mo lang din?" tanong ko. Di ko kasi alam yung sasabihin ko kaya ayun kahit halata namang kakaligo nya lang, yun parin ang tinanong ko.
"Obvious naman diba?" hayss... nagsusungit nanaman sya.
Di ko nalang sya pinansin at dumiretso na sa taas. Medyo madami na pala sila dun. Kumpleto na yung officers and hihintayin nalang namin yung iba. Sa tingin ko mga 3 pairs nalang ang kulang.
"Guys antayin nalang natin yung iba then 8:30 simula na tayo.Kumain muna kayo ng dinner andun sa mga tables yung pagkain." sabi ni Jaeden sa mic.
May karaoke pa kasi kami. Okay lang naman kasi di naman open area yung rooftop namin. May bubong na transparent at pader padin kaya di naman siguro kami maririnig ng kapitbahay.
Nagpapatugtog din sila at yung iba nakanta pa.
Kumuha muna ako ng pagkain. May mga ulam, kanin, pasta at ibang pagkain na para sa dinner.Naglagay ako sa plato ko ng lasagna. Yun lang muna dahil busog pa naman ako.Tumabi ako kila Aira na nagkukwentuhan at nakain din.
________To be continued____________
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomanceBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...