Hindi ko maiwasang mag-alala kay Yander nung umalis sya. Feeling ko nga may mali ehhh.Pero sabi nya wala naman daw, May tiwala naman ako sa kanya kaya hayaan ko nalang muna.
Bumaba na ako sa dinning dahil gabi na at di pa ako nagdi-dinner.Naabutan ko dun si Andrea na nakain. Umupo ako sa tabi nya.Kumuha ako ng kanin at ulam.Habang kumakain, nag-uusap kami. I even invited her to sleep inside my room.
"Wow! ate first time ko pong makapunta dito sa loob ng kwarto mo!" kitang kita ko sa mata nya yung pagkamangha. Hindi ako sumasagot sa kanya dahil pinagmamasdan ko lang sya.....
Naisip ko, ano kayang magiging reaction ng mga kapatid ko pag nakapunta sila dito? Mamamangha din kaya sila? Pareho din kaya kami ng style ng kwarto? Magkakasundo din kaya kami katulad ni Andrea?......
Inalis ko muna sa sarili ko yung pag-iisip nang magsalita si Andrea.
"So,anong gusto mong gawin natin?" tanong ko.
"Manood po tayo ng movie ate! Gusto ko po nun." sabi nya habang tumatalon sa kama ko.
"Sige, ikaw pumili andun yung mga dvd. Kukuha lang ako ng mga snacks ok?" Tumango sya.
Bumaba uli ako sa kusina. Inilagay ko sa isang tray lahat ng kailangan ko. Nung paakyat na ako nakasalubong ko si Yaya.Ipinagpaalam ko si Andrea na sa kwarto ko sya matutulog. Buti pumayag si Yaya. Wala na naman daw syang magagawa.
"Hey! Snacks are ready!" sabi ko.Ipinatong ko sya sa maliit na table.Lumapit ako kay Andrea para tulungan sa paghahanap ng movie.
Dahil bata pa, sinuggest kong story ay isang disney movie. Sa huli yung 'A Cinderella Story: If the Shoe Fits' yung napili namin.
Ilang oras din kaming nanood at si Andrea, hindi parin inaantok. Mukhang malalate kami bukas ng pasok ahh! Nakaramdam ako na puputok na ang pantog ko kaya pumunta ako sa cr.
Nung babalik na ako sa kama, napatingin ako sa phone na nasa besdide table.Nakita ko yung phone ni Yander. Shems! naiwan nya.Kinuha ko yun kase bigla syang umilaw. I saw a text message from an unknown number.
From:Unknown
See you there! I'll wait for you. Please don't hesitate to come.
My forehead creased when I read the text message. May kameet up ang boyfriend ko sa disoras ng gabi? I got curious kaya binuksan ko ang phone niya. Medyo kinilig ako dahil anniversary namin ang password niya. I scanned his inbox to find out na wala siyang halos katext bukod sakin at dito sa unknown number. Tinignan ko ang convo nila.
From: Unknown
Meet me later at 'The Cafe' malapit to sa school. 24/7 Cafe sya. 12am dapat andun ka na. I'll wait for you.
From: Unknown
Don't worry. Importante yung sasabihin ko sayo. Promise hindi ko na kayo guguluhin ni Cassiopea kapag nasabi ko na sayo yung lahat. Kaya sana wag ka nang magdalawang isip.
From: Unkown
Btw, ikaw lang ahh! Wag mong isama yang girlfriend mo. See yah!
Tapos yung last yung natanggap ko ngayon lang.Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.... Kahit ayaw kong isipin, pero malakas yung kutob ko na kilala ko na kung sino yung nagtext.
11:35 am na. Hindi ko alam kung bakit pero may part sakin na nagsasabing puntahan ko kung saan pupunta si Yander.
Binanggit nya din yung pangalan ko kaya may kinalaman to sakin.... samin....
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomansaBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...
![Unfaded Love [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/240690264-64-k943196.jpg)