Chapter twenty three

44 11 4
                                    


Maaga akong nagising ngayon dahil niyaya kami ni kuya Kerwin na gumala. Ngayon lang siya nakaluwag sa schedule nya kaya pumayag kami.

"San punta natin?" Tanong ko.
Andito kami ngayon sa kwarto ko. Sinama na din namin yung mga kaibigan namin para makilala na rin sila ni Kuya.

"Uhmm.... Nakakasawa na sa mall at amusement park so let's try something new. May friend ako sa Batangas and nirecommend nya to sakin. I find it cool!!!" Halata ang excitement sa boses nya.

"So ano nga yun?" Tanong ni Zahaira.

"Uhm... Walang KJ ha! Dapat G kayong lahat!"

"Oo na! Sabihin mo na kase!" Naiinis na ako ha. Daming sinasabi ayaw nalang direktang sabihin e.

"Chill! So eto na nga, mag stay tayo sa isang parang haunted house for two days. Ang cool diba?" Nakangisi sya sakin.

I gulped. No way!!! Di ako sasama.

"Pass." Sabi ko.

Umangal agad sila sakin. Lahat sila.

"Wala na ang KJ na." ~Jaeden

"Hoyyy wag kang maarte."~ Aira.

"Come with us, wala kang kasama dito mabobored ka lang." ~ Deinzer

"Sayang memories sali ka na kase."  ~Marianne

Oh diba? Lahat sila umangal.
Ngumiwi ako at bumuntong hininga.

Seryoso ba yan? Wala nang choice???

"Sige na nga." Napipilitang ani ko.

"Yown! So pack up your things. Babalikan ko kayo mamayang 3 pm. Good for two days ang baunin nyo ha." Sabi ni kuya.

Bago siya lumabas ng kwarto para umuwi saglit, tumingin pa siya sakin at ngumisi. Nakita ko pang may ibinulong sya.

"Good luck."

Inirapan ko siya bilang sagot.
Maya maya din ay nagpasyang umuwi muna saglit sila Marianne, Deinzer at Jaeden para kumuha ng gamit at magpaalam.

"Ang tanga naman ni Kerwin di man lang sinabi sa atin na mag ready ng damit kung dun pala ang pupuntahan natin. Yan tuloy kelangan pa umuwi ng iba." Sabi ni Aira na nasa tabi ko.

Hindi na siya umuwi kasi palagi naman siyang may gamit dito sa kwarto ko.

Nakapag ayos na ako ng gamit ko nang biglang nagchat sakin si Deinzer.

From: Deinzer

Hoy babae, sakin ka sasabay. If ever na mas naunang pumunta si Kerwin para sunduin kayo, mag paiwan ka. Tell them that I will use my car and susunod nalang tayo."

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako nang maisip ko na magroroadtrip kami. Masosolo ko siya HHAHAHAHA

Napapangiti ako habang nagtytype ng reply

To: President na masungit

  Yes pres. Masusunod po.

Naghintay lang kami ng ilang saglit at dumating na din sila.

"Ohhh bakit di kayo sasabay?" Tanong ni Marianne.

"Magdadala daw siya ng sasakyan eh. Hihingin nalang daw ni Pres yung address kay Kuya." Sagot ko.

"Kowss gusto ka lang solohin nun e." Pang aasar sakin ni Kuya.

" May gusto ba yun sayo? Or baka kayo na noh?" Dagdag pa nya.

Unfaded Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon