Kinabukasan, wala akong ganang bumangon. Wala na sa tabi ko si Andrea, malamang ay nag aayos na para sa pag pasok.
Ayokong lokohin yung sarili ko. Alam kong totoo yung kagabi. I wasn't dreaming pero bakit? Ang sakit ehh! Sorang sakit....
Alam nyang ayokong sumama sya sa babaeng yun. Alam kong selfish... pero karapatan ko naman na pagbawalan sya diba? Mabait ako, oo pero hindi naman lingid sa kaalaman ko na naghahabol parin yung ex nya sa kanya ehh!
Ayoko lang naman na mawala sya sakin kaya pinapalayo ko sya. Pero kung kailangan, sana naman magsabi o magpaalam man lang sya na magkikita pala sila.Hindi nya sinasagot yung mga tawag ko kagabi.
Sana man lang nagsabi syang busy sya at may kikitain diba?......
Ayokong masira to'ng araw na to. It's our special day ehh!Sana man lang wag syang gumawa ng bagay na mabibigay sakin ng ideyang totoo ang mga nasaisip ko.
Toady is our special day, I don't want to ruin this day because of that... kiss.
"Good Morning dad!" bati ko kay daddy nang madatnan siya sa dinning.
"Good Morning my darling. Sorry kung di ako nakauwi kagabi. Busy si daddy ehh."umupo muna ako bago sumagot.
"It's ok dad. I understand. By the way, dad may favor po sana ako sa inyo."
"What's that anak? Anything for you." napangiti naman ako. Ang sweet ng daddy ko...
"Uhm, ano po kase dad, Si Andrea po. Gusto ko po kasing ilipat sya sa school natin. Tas ikukuha ko sya ng scholarship. Matalino naman po sya. Hindi po kasi maganda yung experience nya sa school nya eh. Nakakaawa naman po. Is it ok po ba?" tanong ko.
"Well, maganda naman yang idea mo. Matagal ko na ding ini-offer yan kay Yaya. Pumayag ba si Yaya?" tanong ni dad.
"Opo ,ok na po sa kanya."
"Ok, aasikasuhin ko. Siguro next week makakalipat na sya. Busy pa kasi ako."
"It's ok dad! Thanks!" nakangiting sabi ko.
"Sure. Pero ba't yung iba inililipat mo sa school natin. Ikaw ayaw mo?" Yan nanaman tayo....
" Sa college nalang po dad. " ani ko. We have our own school pero ayoko dun. I know madaming responsibilities ang sasalunong sa akin sa oras na mag-aral ako doon. Gusto kong mag-aral bilang isang normal na student lang. Sa college nalang ako lilipat sa sarili naming university.
"I need to go na. Happy monthsary sa inyo." Paalam ni daddy. I gave him a force smile bago humalik sa pisngi niya.
"Thanks daddy, take care."
Naalala ko nanaman siya. Pero kahit nasasaktan ako ngayon, kelangan ko kumain. Pampalakas din kaya to at pampawala ng stress at pagod.Hindi naman porket malungkot hindi na kakain diba?
Hindi ako katulad ng nasa movies at libro na walang ganang kumain. Food is life no'!
Binati ko sila Aira pagpasok ko sa room.
"Morning! kamusta tulog? Nakatulog ka ba?" tanong nya.
puyat nga ako kakaiyak eh...
Yan ang gusto kong isagot kaso, ayokong hindi matuloy ang plano kase sigurado akong magagalit si insan pag sinabi ko sa kanya yung mga nakita ko.
Ilang subjects din ang itinuro samin bago mag lunch. Ilang oras din akong nakatulala lang sa room..wala yata akong natutunan.
"Oy girl tara na sa resto!" nagulat ako nung hinila ako ni Aira patayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/240690264-288-k943196.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaded Love [Completed]
RomanceBeing inlove with your childhood bestfriend is sweet. Especially if the opposite feels the same. But what if the day that you two confessed feelings with each other is also the day that the both of you got separated. After so many years of waiting...