HAZEL
“Good morning officers. I called this meeting for an important announcement,” pahayag ni Mrs. Cordova, ang adviser ng student council pagkarating nito sa student council office.
“Good morning Mrs. Cordova,” bati rin namin at sabay-sabay nang umupo.
Halos lahat ng officers ay nandito sa S.C. office maliban kay Dee kaya labing-isa lang kami ngayon. May mahabang mesa sa pagitan ng mga officers at ako ang nakapwesto sa pinakaharap. Katapat ko naman si Lucas at si Mia naman ang katabi nito. Si Mrs. Cordova naman ay nakatayo sa harapan namin at may hawak na white folder.
“Dahil nalalapit na naman ang celebration ng annual events dito sa Maximillian University, ang student council ang na-assign sa upcoming pageant event. The upcoming pageant event will be held one week from now and as officers, I want you to plan and prepare for this. Any violent reactions?” mahabang anunsyo ni ma'am.
Pagkasabi nito ay biglang nagbulong-bulungan ang mga kapwa ko officers samantalang ako naman ay nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin dahil ngayon lang kami na-assign sa isang pageant event.
Napansin kong biglang nagtaas ng kamay si Mia kaya tinawag siya ni ma'am.
“Yes Ms. Santos?” tanong nito kay Mia.
“Pwede po bang sumali kapag student council officer?” at nakakalokong tumingin sa akin si Mia.
“Of course, Ms. Santos. May balak ka bang sumali?” tugon ni ma'am dito.
“Ay hindi po ako ma'am. Gusto raw po kasing sumali ni Ms. President,” nakangiting sagot nito at itinuro ako.
Bumaling naman sa akin si Mrs. Cordova at tinanong ako kung totoo ba 'yong sinabi ni Mia. Hindi kaagad ako makasagot dahil wala naman akong sinabi. Samantalang ang mga ibang officers naman ay biglang tumahimik at nakatingin lang sa amin ni ma'am. Tila naghihintay kung ano ang magiging sagot ko.
Saglit naman akong tumingin kay Mia at pinandilatan ito ng mata at ang bruha ay nginisian lang ako. Dahil hindi naman big deal sa akin ang pagsali ay sumagot na ako kay Mrs. Cordova.
“Opo ma'am, gusto ko pong sumali sa pageant,” desidido kong sagot.
Ngumiti naman si Mrs. Cordova sa akin habang ang mga ibang officers ay naghihiyawan lalo na ang mga lalaking may pasipol-sipol pa.
“Okay, that's settled then. Ang gagaling niyo talaga. Itatanong ko pa lang sana sa inyo kung sino ang willing na mag-represent ng organization natin pero meron na agad kayong napili. Very good officers,” puri sa amin ni ma'am.
Mayamaya ay pinag-usapan na namin kung ano ang mga dapat gawin at kakailanganin, ang magiging venue, palamuti at kung ano-ano pa. Sinabihan din kami na magpasa kami ng plan at mga documentations. Nagkaroon pa ng ilang palitan ng mga suhestiyon hanggang sa magkasundo ang lahat.
“That's all for today, officers. Thank you for your cooperation and don't forget your attendance. Ms. Chua, ikaw ng bahala rito. Meeting adjourned,” pagkasabi nito ay umalis na si ma'am at naiwan na kami.
Nang mailapag ko na ang attendance ay nagpaunahan na silang lahat at bago pa sila makaalis ay nagpatawag ulit ako ng meeting para mapag-usapan na namin ang tungkol sa upcoming pageant event.
Nang nakaupo na ulit sila ay tumayo na ako sa harap at nagsalita na.
“So guys, narinig at naintindihan niyo naman kung ano ang napag-usapan natin with Mrs. Cordova 'di ba? I-finalize na natin lahat para wala ng problema. Ia-assign ko na rin kayo para lahat ay kumikilos at mabilis tayong matapos,” seryoso kong paliwanag sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Любовные романы"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...