23

900 27 1
                                    

KATE

Abala ako sa pagkain ko ng aking tuna sandwich nang biglang may sumigaw.

"Hoy Dina! Himala't napakaaga mo ngayon at nag-iisa ka pa. Practice mo na ulit ng pageant? Excuse ka na naman?" Mapang-asar na boses pa lang ay alam ko na kaya di na ako nag-abalang lingunin siya at kumagat na ulit sa aking tuna sandwich.

Umupo na siya sa tapat ko at nag-ingay na naman. Gusto ko lang naman ng peace of mind kahit one second lang kaya maaga akong pumasok pero may dakila na namang taga-bwisit ng araw ko.

"Dina ka na talaga! DINA namamansin, DINA nakakausap at DINA sumasama sa'min! Pinagpalit na kami sa may lawit hayst. Speaking of lawit, asan 'yong jowa mo at ba't 'yan lang ang kinakain mo? 'Yan na lang ba ang kaya niyang ipakain sa'yo?" pang-aasar niyang lalo sa'kin.

Di na ako nakapagpigil at malakas kong hinampas ang mesa, dahilan upang tumahimik siya. Buti na lang ay wala pang gaanong estudyante na pagtitinginan kami.

"Will you shut that ferocious mouth of yours?! Walang kinalaman si James sa pagkain ko at higit sa lahat hindi ko siya jowa kaya kung pwede ba umalis ka na lang kung wala kang magandang ambag sa umaga ko," seryoso at gigil kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya para malaman niyang hindi ako nakikipagbiruan. Sa halip na tumigil siya ay nginisian lang niya ako at binato.

"Sa'yo na 'yang double chicken burger ko. Kawawa ka eh pero pacheck nga kung di ko pa nakagatan. Saka alam mo ikaw, ngayon ka na lang nga nakita di ka pa mabiro at ba't ba ang sungit sungit mo? Chill ka nga lang, sa'n ka ba stress? Sa pageant, sa jowa mo o sa ibang bagay?" usisa niya habang inihahalo na niya ang kanyang spaghetti saka sumubo.

"Sa'yo ako naistress dahil ang dami mong tanong na puro walang kwenta, daig mo pa si Mama. Anyway, naipagsulat mo ba ako ng mga notes? Kung oo, ipagpatuloy mo lang tapos ihatid mo na lang sa bahay," balewalang sagot ko at kinagatan na ang burger na binigay niya sa'kin.

"Pass muna sa Mama mong nakakatakot at 'wag mong iniiba ang usapan, magkwento ka naman kaya, kasi ako maraming kwento. Ge, ibato ko na lang sa gate niyo 'yong notebook mo para di na ako papasok. Easy," balewa ring sagot niya habang may laman pa ang bibig niya. Sige magdaldal ka lang nang mabulunan ka.

"Ba't ako? Ikaw pala ang maraming kwento, edi ikaw ang magkwento. I'll listen. But for sure, mga babae mo na naman 'yan sa volleyball team niyo kaya no thanks. Sa'n pala si Claire at Alice?" Tagal ko na ring di nakikita 'yong dalawang bruhang 'yon.

"Overnight ka muna sa bahay bago ko sabihin," nakangising sabi ng babaeng bungol na kaharap ko. "Di mo na ako binibisita, lagi ka na lang doon kay ano mo saka sa jowa mo. Kakatampo."

Napairap naman ako dahil mukha siyang tanga, kung ano-anong pinagsasabi, di naman bagay para sa isang tulad niyang playgirl.

"Luh, ayoko nga. Baka ano pang gawin mo sa'kin at wala akong tiwala sa'yo. 'Wag ka ring feeling sad girl diyan, ew."

"Ay wow, ang kapal mo ring babae 'no? Wala raw tiwala pero kung makapagsabi at magkwento sa'kin tungkol kay Andy niya na kesyo may ibang kasamang babae, na confused daw siya tapos may padrama-drama pang iyak sa'kin no'ng highschool kami at do'n pa natulog sa bahay dahil sa di raw siya isinama ng bestfriend niya at marami pang iba. Di pa kasi amining cru-"

"Fuck, Skye! Di mo na kailangang ipaalala! Di na talaga ako magsasabi sa'yo! Bahala ka diyan!" Tumayo na ako para umalis nang bumanat na naman siya.

"Narinig ko na 'yan-siya, siya, inumin nga! Bilhan mo ako, binigyan kita ng burger diyan. Dali na!" sigaw niyang utos sa'kin at ngayo'y pancake naman ang kanyang kinakain.

"Oh, sa'yo na 'yan. May natira pang konti," at iniabot ko na sa kanya ang aking cup ng hot choco. Kinuha ko na ang aking bag at nagsimula nang maglakad.

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon