ANDY
Nagising na lamang ako nang may tumatapik sa pisngi ko. "Prince! Gising na. Hindi ka ba papasok?" Pagdilat ko ay banayad itong nakatitig sa akin. Pansin ko ring nakabihis na si Mom.
"Good morning Mom," pupungas-pungas kong bati at yumakap sa kanya. "Di po muna ako papasok," bulong ko habang nakapatong ang aking baba sa balikat ni Mom.
"Okay Prince," sagot naman ni Mom 'tsaka humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. Ang mga tingin niya sa akin ay nagpapahiwatig na kailangan ko ng paliwanag mo mamaya. Alanganin naman akong ngumiti.
Bumangon na ako at sumunod na kay Mom. Pagbaba namin ay nakita ko si Dad na nakabihis na rin at inaayos ang kanyang sarili sa harap ng salamin.
"Good morning Dad," bati ko rito at lumingon naman ito sa akin.
"Good morning Duke! How do I look? Still young and handsome?" pagpapahangin ni Dad sabay harap sa akin at nagpose pa ito kunwari na para bang isang body builder upang ipakita ang toned nitong muscles at biceps.
"No Dad. You're still smoking hot and sexy!" gatung ko naman sabay pikit ng aking kaliwang mata at tinuro si Dad sabay click ng aking dila.
"You heard it darling? There's no doubt that our son inherited the good physical features from me," nakangisi namang sabi nito kay Mom. "Right son?" baling niya ulit sa akin sabay gulo ng aking buhok.
"Dad!"
"Henry!"
"What? Okay, I know, I know," sabi nito sabay taas ng kamay na tila ba sumusuko. "Our half-daughter half-son I mean," tumango-tango pang sabi ni Dad sabay himas ng kanyang baba na animo'y siguradong-sigurado sa kanyang sinabi.
Bigla naman siyang nilapitan ni Mom at pinandilatan ng mata sabay kurot. "Seriously Henry? Half-daughter half-son? You sounded like our child is another sort of creature! Kung di dahil sa ay nako Henry, pasalamat ka talaga at mahal kita kahit ganyan ka," kunwaring pagtataray ni Mom kay Dad sabay irap at humalukipkip.
Humalakhak naman si Dad at masuyong niyakap si Mom. Am I interrupting them?
"And you're right darling, manang-mana talaga sa'yo si Prince. Imagine, kauuwi lang natin may tatlong babae na agad na nagawi rito sa bahay," at nakakalokong ngumiti si Mom sa akin habang nakayakap kay Dad at nakasandal ang ulo niya sa dibdib nito.
Oh how sweet. How I wish I am Eros but I will cut their red strings. Just kidding! I love them both despite that they're being playful right now.
"Mom? Dad? Mukhang late na ata kayo sa pupuntahan niyo," pukaw ko sa aking parents. Nakalimutan na ata nila dahil sa asaran at lambingan nilang dalawa.
Bigla namang umayos na ang mga ito at lumapit sa akin. Saktong paghikab ko ay siyang pagflash ng camera sa aming tatlo at tumatawang nagpaalam ang mga ito. Is there nothing that will make my morning better?
Nang makaalis sila ay papunta na ako sa kusina nang biglang may kumakatok. Nagtataka naman akong pumunta upang alamin kung sino dahil alas-otso pa lang ng umaga.
Pagkabukas ko ng pinto ay si Mich pala at mabilis itong pumasok at niyakap ako.
"Good morning Ander! I brought you foods. Your favorites," masayang bati nito at humiwalay sa akin. Ipinakita pa nito ang tatlong supot na dala.
"Good morning din Mich. Ang dami naman ata niyan. Nag-abala ka pa tuloy," at akmang kukunin ko na ang mga ito sa kanya nang bigla niyang inilayo ang isang supot. "This is for later Ander. We'll use this together," at pilyang ngumiti.
Napailing na lang ako at hinila na siya papunta sa kusina. Nanguha na ako ng mga plato at iba pang kitchen utensils. Isinalin ko na rin ang mga pinamili niyang pagkain at nagmadali na dahil takam na takam na ako.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Romance"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...