18

1.3K 44 21
                                    

ANDY

Ang maliwanag at matinding sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng aking kwarto ang siyang nagpagising sa akin ngayon.

Wala sa sariling bumangon ako kahit na medyo inaantok pa. Kusang tumigil ang aking mga paa sa tapat ng salamin dito sa aking kwarto at tiningnan ang sarili kong repleksyon.

Medyo naniningkit ang aking mga mata at may mga eyebags pa. Hindi ako gaanong nakatulog dahil sa kaiisip sa nangyari kahapon sa amin ni Kate.

Bago lumabas sa aking kwarto ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking cellphone, nagbabakasakaling may matanggap akong text o chat mula kay Kate.

Ilang minuto na ang lumipas sa pagtitig ko sa aking cellphone pero mukhang wala pa rin kaya lulugo-lugo na akong lumabas.

Kumusta ka na Kate?

Busy ka pa rin kaya hanggang ngayon kaya hindi mo ako pinapansin?

O baka istorbo lang talaga ako sa'yo?

Bumalik lang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang masasayang tawanan nina Mom at Dad sa kusina. Ang sarap pagmasdan ng kanilang mga nakangiting mukha habang sinusubuan ang isa't isa.

Tahimik na akong umupo sa tapat ni Mom. Si Dad naman ay nakaupo sa kabisera.

Bigla naman silang tumigil sa maaga nilang paglalambingan nang mapansin ako.

"Oh, good morning Prince! How's your sleep?" masiglang tanong ni Mom 'tsaka pinisil ang aking kamay na nakapatong sa mesa.

Nakangiti rin akong binati ni Dad sabay tapik sa aking balikat at nagpatuloy na ulit ito sa pagsubo ng pagkain.

"Good morning din Mom, Dad," matamlay kong bati sa kanila habang nakatingin lang sa aking plato.

Nagpatuloy na ulit sila sa pagkain pero ako ay hindi pa rin kumikilos. Lumilipad pa rin ang isip ko sa kanya at walang ganang kumain.

"Prince, may problema ka ba? Ba't hindi ka kumakain?" pukaw sa akin ni Mom at mataman niya akong tiningnan na tila kinikilatis. Umiling lang ako bilang tugon.

Nanguha na lang ako ng isang tinapay para hindi na magtanong pa si Mom at kinagatan ko lang ito nang kaunti.

Pero sadyang magaling si Mom. She caught me off guard. "Prince, is it all about Kate?" may himig ng pag-aalang tanong niya sa akin. Nalunok ko tuloy ng wala sa oras ang aking nginunguya.

Bigla ko na namang naalala kung paano ako naiwan sa kawalan. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata para pigilan na naman ang aking nagbabadyang luha.

Tumikhim muna ako bago sumagot upang hindi mahalata ang paggaralgal sa aking boses. "No, Mom."

"I am your mother, Prince. Kilala kita kaya kung ano man 'yon, you can tell us."

Huminga muna ako ng malalim. Tutal wala na rin akong magagawa at si Mom na ang nagsabi. Ano pang silbi kung ililihim ko pa sa kanila na gayong nahalata na nila.

Ikinuwento ko sa aking parents ang mga nangyari kahapon. Hinayaan lang nila akong magsalita at tahimik na nakikinig.

"Uy Duke, walang iyakan ah. Kwentuhan lang tayo rito. 'Tsaka ito tissue para sa anak kong walang tagasuyo," sabay abot sa akin ni Dad ng tissue habang nakangiti nang nakakaloko.

"Darling! Isa ka pa eh. Malungkot na nga si Prince paiiyakin mo pang lalo," saway ni Mom kay Dad at inirapan ito.

Bumaling uli sa akin si Mom nang nakangiti. "Huwag mo na lang pansinin 'yong mga parayaw diyan sa tabi-tabi, Prince. Anyways, don't worry about Kate 'kay? You're overthinking too much about her. Maybe she's busy with her Mom lalo na't kauuwi lang ng parents niya. Alam mo naman si Tita Laura mo when it comes to Kate 'di ba?"

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon