5

3.5K 79 0
                                    

ANDY

Maaga akong pumunta kina Kate ngayon at hinihintay siya dito sa labas ng gate nila.

“Good morning Kate. Pwede bang mag-usap na tayo? I'm really sorry about the other day,” bungad ko sa kanya nang palabas na siya.

“Who are you? Don't talk to me. I don't know you,” mataray nitong sabi at hindi man lang ako tiningnan.

“Kate please? I'm really really sorry. I missed you,” pigil ko sa kanya pero wala talaga.

Sumakay na ito sa kotse niya pero mabilis ko siyang hinila.

“What?! Papasok na ako,” cold niyang sabi sa akin.

“Please Kate? Kausapin mo na ako. I'm really really sorry. Babawi talaga ako sa'yo promise,” pagmamakaawa kong sabi kay Kate.

“Okay. Drive,” at inihagis nito sa akin ang susi.

Nang makaalis kami ay sobrang tahimik lang namin. Walang gustong magsalita.

“Ahmm, Kate. Nag-overnight pala ako kagabi kina Luce. Dalawa lang kami,” basag ko sa katahimikan.

“Alam ko. Kaya pala iba ang suot pati amoy mo ngayon. Ang baho. Huwag kang lalapit sa akin hangga't 'yan ang suot mo,” mataray nitong sabi sa akin sabay irap.

“Hindi naman mabaho Kate ah. Sakto lang naman 'yong amoy. Saka paano mo nalaman na nag-overnight ako?” tanong ko habang inaamoy-amoy ang aking sarili pero nakatuon pa rin ang tingin ko sa daan.

“I have my own ways Andrew. Subukan mo uling gawin 'yan, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad,” sabay tingin sa kabuuan ko.

“At hindi lang 'yon ang matitikman mo,” dagdag nito at nginisian ako.

Nandito na kami ngayon sa university. Naglakad na kami sa aming mga klase pero bago 'yon ay hahalikan ko muna sana siya sa cheeks nang biglang umiwas si Kate.

“Ops. Di pa tayo okay Andrew. Magpalit ka muna bago mo ko lapitan,” at naglakad na ito palayo.

Pagkarating ko sa room ay sinalubong agad ako ni Luce.

“Good morning Drew! Kumusta ka na? Ba't ang lungkot mo ata ngayon?” masaya at sunod-sunod na tanong sa akin ni Luce.

“Morning Luce. Di pa rin ako kinakausap ni Kate eh. Saka ang baho raw ng suot ko,” malungkot kong sagot dito.

“What?! 'Yang suot mo mabaho? Eh damit ko 'yang suot mo na ipinahiram ko sa'yo kanina dahil nagmamadali kang umalis. Sasabunutan ko talaga 'yang bestfriend mo! Akala mo kung sinong maganda!” gigil na sabi niya.

“Hayaan mo na siya Luce, 'wag mo ng patulan. Sinasapian na naman ata ng kasungitan,” naiiling ko na lang na sabi rito.

Dumating na rin ang prof namin at nagpa-long quiz. Madali lang 'yong quiz kaya mabilis akong natapos.

Nang matapos na ang lahat ay umalis na rin si prof. Naglecture lang kami sa aming next subject.

“Drew, tayo na lang ang partner sa assignment. Gawin na rin natin agad mamaya sa library. 'Di bale research lang naman 'yon,” paalala sa akin ni Luce bago kami umalis para maglunch.

Pagkarating namin sa canteen ay nag-order na agad kami at naghanap ng pwesto kaso wala ng bakante.

Bigla na lang may tumawag sa akin. Si Alice.

“Drew! Dito na lang kayo maki-share ng table sa amin!” sigaw nito sa akin.

Niyaya ko na si Luce doon at nang makalapit na kami ay napansin kong naka-poker face lang na nakatingin sa amin si Kate.

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon