19

1.4K 56 19
                                    

ANDY

"Mga pinsan, tara na. Balik na tayo sa hotel at parang pinipiga ang ulo ko sa sakit," yaya sa amin ni Kuya Ariston habang sapo-sapo ang kanyang ulo at medyo bahagya pa itong nakapikit.

"Teka lang Kuya, ang sakit din ng ulo ko. Tayo niyo nga ako, di kaya ng katawan ko," pakiusap ko sa kanila habang nakahiga pa rin ako rito sa buhanginan na nakataas ang kamay. Hinihintay na hilahin nila ako.

Kagigising lang namin dito at hindi na kami nakauwi ng hotel dahil sa matinding kalasingan kagabi. First time kong malasing kagabi tapos hindi pa nakauwi. Paniguradong masasampolan ako nito ni Mom.

Nang maitayo na ako ng tatlo kong pinsan na lalaki ay pinagpag naman ni Sheila ang damit kong may buhangin. "Nakita niyo ba 'yong phone ko?" Pagkabanggit ko no'n ay lalong sumakit ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

Akala ko nakakawala ng alaala ang pag-iinom. Hindi pala. Kasi lahat lahat sa kaniya ay mahirap kalimutan at hinding-hindi ko malilimutan.

Hay Kate. Lakas na nga ata ng tama ko sa'yo.

"Hoy Andrew, ba't ka nakatulala? At parang naiiyak ka? Oh, ang phone mo," at idiniin ni Sheila ang phone sa dibdib ko.

Masyado na ba akong obvious?

Tiningnan ko lang si Sheila at ngumiti nang pilit. Nagsimula na kaming maglakad papuntang hotel na magkakaakbay at medyo pagewang-gewang.

"Guys, alam niyo, bar ulit tayo mamaya. Bitin kasi kagabi saka di ako nakapagchix. Ano, tara?" nanghihikayat na sabi ni Kuya Trenton.

"Pass ako Kuya Trent. Kayo na lang. Di ko na kaya," si Sheila.

Nagkatinginan naman ang panganay at bunsong magkapatid na si Kuya Ariston at Princeton. At mayamaya'y nakakalokong tumingin kay Kuya Trenton at nginisian nila ang isa't isa. Pagkatapos no'n ay kinindatan nila akong tatlo.

Ah, one more night again. Please, be nice to me. I don't want to be called by someone so dear to me yet only to hear a man's voice.
It's nauseating.

Ilang saglit lang ay nakarating na kaming lima na nakayuko. Kulang na lang ay sumubsob na naman kami dahil sa hangover.

"Oh? Nandito na pala kayong lima." Parang naghehead count pa ata si Tita Elena. "Akala namin sa makalawa pa kayo darating. Mukhang napaaga ata. At bago kayo pumasok sa loob, maghanda-handa na kayo lalo ka na Andrew."

May pupuntahan ba?

Nag-angat na kami ng tingin. "Saan po ba pupunta tita at bakit kailangan naming maghanda lalo na po ako?"

Narinig ko naman ang mahinang paghahagikgikan ng mga kasama ko at mas idiniin pa nila ang pag-akbay sa akin.

Saktong may hawak na hose si tita at nang lumabas na ang tubig mula rito ay agad niyang itinapat sa amin.

"Aba, kayong lima talaga-tanggapin niyo 'to nang mahimasmasan kayo!" at pinaliguan na kami ng tuluyan ni tita. Nagtatatakbo na kami palayo habang si tita ay patuloy pa rin at malakas nang tumatawa. Si Sheila ang pinuntirya niya habang kaming apat naman ay nagsama-sama.

"Ma! Awat na!" sigaw ni Sheila sa kalayuan. "Bakat na 'yong bra at panty ko, Ma!" Daig na niya ang basang-sisiw.

"Hoy Shiela! Huwag ka nga rito, at para kang dugong sa itsura mo! Nagkakasala na kaming apat sa nakikita namin sa'yo! Pumasok ka na!" biglang sigaw ni Princeton at sabay-sabay silang nagtawanan na magkakapatid.

Nang marinig kami ni tita ay bigla niyang itinutok sa aming apat ang tubig. "Kayong lima, lumapit na kayo rito! Isa! Lalo ka na Shiela Marie Aragones Halili!"

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon