35

338 8 0
                                    

KATE

"As I said before, dapat nagrereview kayong maigi. Ang dami kong nakikitang tulala. 'Pag tapos na, pwede nang magpasa. Sa test sheet tumingin, wag sa katabi. Ms. Silovera, mukhang tapos ka na."

Wala akong naiintindihan sa aking paligid. Kanina pa kasi ako nakatulala plus ang sakit ng ulo ko. Medyo nahihilo pa ako dahil may hangover pa ako.

Nagulat ako at bumalik sa aking ulirat nang lihim akong sipain ni Skye.

"H-Ha? Ano? Di kita magets." Nguso kasi siya nang nguso eh di ko naman alam kung ba't siya nakagano'n.

Nakatulala lang ako at iniisip ang mga bagay-bagay samin ni Andy.

Kinuha na lang ni ma'am Papadakis ang answer sheet ko at nagpasa na rin sina Skye, Claire at Alice.

Tiningnan ko naman ang mga kaklase kong hirap na hirap kaya natawa na lang ako sa paghihirap nila.

Pinalabas muna kami at nagtatawanan at nagtatalunan silang tatlo habang si Skye ay ginulo-gulo ang buhok kong nananahimik.

"Iba talaga ang alindog ng mga Silovera, 'no Kate? Basic ang quiz! Matik perfect 'di ba guys?"

"Syempre naman! Basic talaga! Binuhat ba naman tayo ni Kate! Grabe talaga! Ginagalingan masyado!" segunda ni Claire sabay akbay sakin.

"Baka beshy ko 'yan! Cr muna tayo," at sinamahan namin si Alice.

Inayos ko lang 'yong hair ko habang hinihintay namin 'yong dalawang magshota.

Si Skye naman ay naghilamos.

"Ang lakas talaga ng source mo, madam. Nag-usap ba kayo?" chika pa niya sakin.

"Siya una nagchat. Nagsend lang ng quiz tapos wala na," malungkot kong sagot sa kanya.

"Ano na naman 'yan ha? Kayong dalawa ha, share niyo naman," at pumagitna si Alice sa amin. Inayos naman ni Claire ang gusot sa blouse nito at nagkatinginan kami ni Skye sabay iling niya.

"Tara na, baka hinahanap na tayo ni ma'am."

Magkaholding-hands na lumabas 'yong dalawa at inalo-alo pa ako ni Skye. Parang tanga lang. Siniko ko nga siya.

Pagbalik namin ay nagchecheck na sila ng papers. Maingat kaming pumasok dahil ang mga tingin ni ma'am ay parang may latay.

Pag-upo namin ay natapos na silang magcheck. Inisa-isa pa niyang tingnan ang papers na hawak niya habang tumitingin sa amin. Puro naman siya pasuspense. Hindi na lang niya ibalik ang mga papers namin. Kahit kailan talagang prof 'to, ang daming alam.

"As usual, Silovera," at talagang tiningnan ako. Inaano ko ba 'tong Papadakis na 'to. Laging ang init ng dugo sakin.

"Bernabe."

"Gonzales."

"At Ledesma. Silang apat lang ang nakaperfect at may additional points for the next quiz, Monday. Nagkopyahan ba kayong apat? The rest, humimlay na ang scores. May nakazero pa. Essay na nga lang na ang dali-dali, ibabagsak pa. Anyway, get ready sa Monday. Class dismissed."

Paglabas ni ma'am, tinulak-tulak at ginulo-gulo ako ng apat kong mga walanghiyang kaibigan. Hinila pa talaga ang suot kong white long sleeves kaya halos mahubaran na ako.

"Iba talaga 'pag mahal ka 'no Kate? Laging  may biyaya! Buti na lang kinaibigan kita! Ang lakas talaga ng kapit kay Andrew!"

Hinampas ko siya nang malakas.

"Shut up!"

"Si Drew ang nagsend sayo no'ng quiz? Iba talaga! Ang bait-bait naman pala talaga ni bestie. Buti na lang at sinend mo rin samin. Di tayo pinabayaan ni Top 1," pang-aasar pa ni Alice na siyang humihila sa damit ko.

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon