KATE
It's been 3 days since me and Andy talked on the phone. Inaabangan ko pa rin ang pagbabalik niya and I tried to busy myself by reading my favorite books para hindi ko siya maisip pero hindi ko talaga kaya.
I haven't talked to Skye also kasi masama pa rin ang loob ko sa kanya and gano'n din siya. Alice and Claire asked me no'ng weekends if gusto ko raw bang sumama sa kanilang dalawa para gumala. I made an alibi na lang na may pupuntahan din kahit wala.
I'm not in the mood to interact with other people.
"Kate?"
Nakatulala lang ako sa kusina nang medyo lumakas na ang pagtawag sakin ni Mama.
"Kate! Kanina pa kita tinatawag. Iabot mo na rito ang pinagkainan mo. Hindi ka na naman nagkakakain na bata ka. Namimili ka na naman ng ulam. May sakit ka ba? Don't forget to invite James for dinner tonight. Kumusta na pala kayo g boyfriend mo?" tanong ni Mama habang nagliligpit.
"Uhm, w-were fine and busy with our own stuffs you know his basketball while me, my studies," kabado kong sagot dahil she's like interrogating me.
"Mabuti kung gano'n. Ipagpatuloy niyo lang but huwag na huwag pababayaan ang studies. Dean's lister ka pa rin ba?"
Para akong natuklaw ng ahas. Naalala ko na naman 'yong pinalabas kaming dalawa ni Skye. For sure na mahahatak ang grades ko for missing a quiz.
Humarap na sakin si Mama habang diretso at seryosong nakatingin sakin.
"Ah o-oo Mama. I'm also a u-university scholar."
Napataas siya ng kilay. "You are not sure?"
"Ma, I need to go. I'm getting late na. Bye Ma!" at nagmamadali akong umalis.
Naglakad ako palabas ng subdivision saka pumara ng taxi papuntang school.
I don't feel like going to school dahil nawawalan ako ng gana. Wala na rin akong pake sa phone ko dahil wala na rin itong silbi for me.
Wala naman na akong natatanggap na calls and messages from Andy even updates so para saan pa. Lalo lang akong nangungulila sa kanya.
Baka lumalayo na siya sa akin dahil hindi na rin ako nagrereply sa kanya when me and James started dating.
I sighed in frustration.
I am to blame for all of these.
Ang tanga-tanga mo talaga Kate!
***
Natapos ang klase namin nang hindi ako tumatabi kay Skye at hindi siya kinakausap. Tahimik din yong dalawang magjowa at ramdam nila ang tension sa pagitan naming dalawa.
Nanatili lang ako rito sa upuan ko habang silang tatlo nama'y palabas na.
"Uy Kate, hindi ka ba maglulunch? Tara na sa canteen, nagugutom na kami. Sabay-sabay na tayo," yaya sakin ni Alice habang nakapulupot ang braso niya kay Claire.
Nangalumbaba lang ako at tumingin sa labas ng bintana. "Kayo na lang. Busog pa ako."
May biglang kumuha sa braso kong nakapangalumbaba. "Tara na. Hindi magandang nagpapalipas ng gutom. Baka mapano ka. Magkasakit ka pa, lalong mas mahirap," si Skye na straight lang na nakatingin sakin.
Binawi ko ang braso kong hawak-hawak niya.
"Ayoko nga sabi. Kayo na lang. Hahanapin ko pa si Andy."
"Kaya nga kumain ka muna. Pano kung mahimatay ka sa paghahanap sa kanya dahil sa gutom? Sino tutulong sayo? Pano namin malalaman? Buto't balat ka na lang oh," pangangaral sakin ni Skye na inirapan ko talaga dahil dinidiktahan na naman ako.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Romance"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...