ANDY
Maaga ulit akong pumunta kina Kate para sunduin siya. Papasok na kami ngayon at as usual minamanyak na naman ako.
Laging ganito ang routine namin araw-araw. Hatid-sundo ko siya habang siya naman ay haplos-dakma-halik sa akin.
Syempre, sa cheeks lang.
Nang makarating kami sa university ay lagi niya akong kinikiss sa cheeks at gano'n din ako sa kanya. Part na rin kasi 'yon ng routine namin.
“Good morning Drew. Ang aga mo ata today? Teka, teka lang ha,” bati sa akin ni Luce sabay check sa kabuuan ko lalo na sa leeg at chest ko.
“Uy Luce, ano bang ginagawa mo? Mamaya may makakita eh. Lagi mo na lang akong chinecheck,” pag-iwas ko sa ginagawa niya.
“Alam mo Drew, di ka pa nasanay sa akin. Natural na tingnan kita. Lakas-loob mong magt-shirt lang tapos mamaya may hickey o kalmot ka na naman. Oh may angal?” pangangaral na naman niya.
“Eh Luce naman. Bayaan mo na tinatakpan ko naman para di halata. Saka wala naman akong hickey o kalmot. Paranoid ka,” mahabang litanya ko naman.
“Che, manahimik ka. Tinatakpan daw eh anong maitatago niyang maala-raven mong buhok sa ikli? Tapos ang puti mo pa. 'Yan ba ang di halata? Isa pa talaga Andrew Torregozon, masasampolan kita,” pagbabanta niya sa akin.
Tama si Luce. I have the same haircut with the Korean actress Lee Joo-Young.
“Opo, opo nanay. Di na mauulit. Aayos na po ako,” nakapout kong sabi rito.
“Dapat lang Drew. Baka gusto mong sabihin ko kina tito at tita 'yan. Huwag mo nga akong matawag na nanay. Di kita anak!” pananakot at sigaw niya sa akin.
Napangiwi na lang tuloy ako at napatawa nang mahina. Nagsimula na rin ang aming klase.
Isang oras ang lumipas ay natapos na ang aming klase. Bago pa magsimula ang next subject ay may nagpapatawag daw sa akin sa student council at excuse ako.
Agad naman na akong tumayo para umalis pero sumama naman sa akin si Luce.
“Ms. Rubio, where are you going?” tanong ng prof kay Luce.
“Ah sir, may sasabihin lang po ako kay Andrew,” paalam nito kay prof at hinila na ako palabas.
“Hoy Drew, sabay tayong maglalunch mamaya at gagala tayo after class. Don't you ever refuse Torregozon,” seryosong sabi sa akin ni Luce.
“B-But Luce alam mo naman si Ka—”
“No more buts Drew. That's final. Nagtatampo na ako sa'yo Drew. I feel neglected and hurt. Pwede bang ako muna this time? Please Drew?“ may paarte-arte at punas-punas kunwari ng luha 'tong si Luce.
Sabagay, di ko na siya nakakasama at lagi si Kate. Di ko tuloy napansin na nagtatampo na siya. Sige na nga, pagbibigyan ko na si Luce para makabawi sa kanya tutal namimiss ko na rin 'tong babaeng 'to.
“Sige Luce, sabay tayo mamaya. Just text or call me what time and place,” sabi ko rito at niyakap naman niya ako nang mahigpit.
“Thanks Drew! Ingat ka ha!” sabi nito sa akin at nagpaalam na.
Pumunta na ako sa student council office at nadatnan ko lang ay ang president, vice president at secretary.
“Good morning guys, may meeting ba tayo?” tanong ko sa kanila.
“Hello Dee! I miss you!” masayang bati sa akin ni Hazel at patakbong lumapit sa akin para yakapin ako.
“Hoy, hoy! Ang agang lambingan naman niyan Hazel at Drew. Ayusin muna natin ang mga folders dito,” sigaw sa amin ni Mia habang si Lucas naman ay tinatawanan kami.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Roman d'amour"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...