12

1.6K 36 4
                                    

ANDY

“Hmmm,” ungol ko nang maramdamang may humahaplos sa aking pisngi. Ramdam ko ring may mabigat na nakadagan sa braso at binti ko kaya hindi ako makagalaw. Medyo mainit pa rin ako.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. “M-Mom?” mahina at gulat na usal ko nang maaninag ko ang pamilyar na mukha. Hindi ko ito inaasahan.

“Good morning Prince! I missed you,” masaya at malambing na bati ni Mom sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti na lang ako dahil sa saya dahil nandito na ulit si Mom at Dad.

Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. “Kumusta ka na? Kawawa naman ang Prince ko pero mukhang alagang-alaga naman ng dalawang prinsesa,” makahulugang sabi sa akin ni Mom at itinaas-taas pa nito ang dalawang kilay.

Natawa na lang ako nang mahina at nag-pout dahil sa pang-aasar niya sa akin. Wala pa rin talagang pinagbago si Mom. Para pa rin siyang teenager kung asarin ako kapag kaming dalawa lang kahit siya ay nasa kanyang early forties na. 'Yan ang dahilan kung bakit kami close ni Mom.

Ilang saglit lang ay may gumalaw sa tabi ko at pagtingin ko ay si Kate. Mas napangiti ako dahil magkatabi pala kaming natulog at nakayakap pa siya sa akin. Nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko ang ginawa niya sa akin sa cr kahapon.

Kahit may sakit ako ay hindi talaga pinalampas ni Kate ang pagkakataon at sinamantala ang panghihina ko.

“Good morning Andy,” malambing nitong bati sa akin pagkagising niya at nakatitig lang ito sa akin. Tumitig din ako sa kanya at ngumiti dahil medyo mabigat pa ang aking ulo.

Bigla namang tumikhim si Mom kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi lang ito sa akin. “Mamaya niyo na ituloy 'yan. Mag-breakfast na muna tayo. Baka hinihintay na tayo ni darling at Hazel.”

Tumayo na si Mom at inalalayan akong tumayo, gano'n din si Kate. Pagbaba namin ay nadatnan namin si Dad at Hazel na naghahain ng mga pagkain at nagtatawanan. Tumigil lang sila sa pagtatawanan nang makita kami.

“Good morning Duke!” masayang bati sa akin ni Dad at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako. “I missed you!” Halos maipit na ako sa pagyakap ni Dad.

Hindi ko ba alam sa parents ko kung ba't nila ako tinatawag ng ganyan. Hindi naman kami royal family.

Binitawan na rin ako ni Dad at binati rin nito si Kate at niyakap din. Si Hazel naman ay lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Paglingon ko kina Mom, Dad at Kate ay nahuli ko ang parents ko na nakatingin sa amin pero agad ding nag-iwas ng tingin at nagpatay-malisya na lamang. Si Kate naman ay masamang nakatingin sa amin.

Dahil biglang tumahimik ay nagyaya na si Dad na mag-breakfast na kami. Bigla namang nagsalita si Hazel.

“Ahmm, Tito Henry, Tita Elizabeth, hindi na po ako makakasabay mag-breakfast dahil tumawag na po si Mom at may pasok pa po ako. Pasensya na po talaga, tito, tita,” magalang na sabi ni Hazel sa parents ko.

“Sigurado ka ba hija?Kung gano'n eh mag-iingat ka sa pag-uwi. Paano ka pala uuwi?” tanong ni Dad kay Hazel.

“Opo tito at mag-iingat po ako sa pag-uwi. May dala po akong sasakyan. Maraming-maraming salamat po. Bibisita po ako sa susunod.”

Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ito sa akin at niyakap ako. Inihatid na ni Mom at Dad si Hazel sa labas. Pagkaalis ni Hazel ay sabay-sabay na kaming apat na kumain. Si Dad ang nasa kabisera at kami naman ni Kate ang magkatabi habang katapat ko si Mom.

Tahimik lang kaming kumakain ngayon habang si Mom at Dad naman ay papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Kate. Tiningnan ko naman ang parents ko pero tulad kanina ay nginisian lang nila ako.

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon