ANDY
Maaga akong nagising ngayon. Alas-cinco pa lang ng umaga. Nag-exercise muna ako.
After 30 minutes ay dumiretso na ako sa kusina at nagkape. Kumain lang ako ng cheese on toast.
Wala ang parents ko ngayon dahil nasa business trip sila at mag-isa lang ako sa bahay.
Matapos kumain ay dumiretso na ako sa bathroom para maligo at magtoothbrush.
After 15 minutes ay natapos na ako. Nagbihis lang ako ng casual white t-shirt at skinny jeans na tinernuhan ko ng black vans.
Tumingin muna ako sa salamin.
Patay!
Visible pa rin ang hickey sa leeg ko at namumula pa dahil sa ginawa ni Kate no'ng nakaraang gabi. Nagsuot na ako ng royal blue oversized hoodie at umalis na para sunduin si Kate.
Nagdoorbell na ako sa gate nila Kate at pinagbuksan naman ako ni manang Nora.
“Good morning manang, si Kate po?” masayang bati ko rito.
“Nako hija, tulog pa eh. Ang aga mo ata ngayon, nililigawan mo ba ang alaga ko ha?” panunuksong sabi ni manang sa akin.
“Si manang daw oh. Syempre manang takot ako sa alaga mo 'tsaka ayaw niyang nalelate kaya inagahan ko na,” pagdadahilan ko kay manang.
“Ay nakong bata ka talaga. Kumain ka na ba? Sakto magluluto ako, ano bang gusto mo?” tanong naman nito sa akin.
“Opo manang tapos na. Sasamahan ko na lang po kayong magluto. Ipagluluto ko po si Kate ng paborito niya,” presinta ko.
“Oh siya, siya tayo na sa kusina. Ang aga-aga ang sweet sweet mo sa alaga ko,” tila kinikilig na sabi nito. Napangiti na lang ako.
Kasalukuyan akong nagpiprito ng hotdog at bacon. Nagluto na rin ako ng egg omelette at fried rice. Nagtimpla na rin ako ng hot chocolate na paborito niya.
Nang maiprepare at okay na lahat ay kumuha ako ng tray at pumunta na sa kwarto niya dala ang mga pagkain.
“Kate. Kate, gising na. Tanghali na,” yugyog ko rito habang ginigising siya. Pero umingit lang ito.
Ginising ko ulit.
“Kate, gising na. Gising ka na please?” sabay kiss ko sa cheeks nito. Nagmulat na ito ng mata at nakangiti sa akin.
“Good morning Andy,” bati nito sa akin with her bedroom voice.
“Good morning Kate. Bangon ka na. I prepared breakfast for you. Kumain ka na,” masaya at nakangiti kong sabi rito.
Mas ngumiti naman ito nang malapad sa akin at inalalayan ko na rin siya para makaupo nang maayos.
Sana lagi na lang siyang tulog para walang nangmamanyak sa akin. Ang amo niya kasing tingnan ngayon.
Ganyan ka na lang sana Kate hehe.
Isinerve ko na sa kanya ang pagkain at nagsimula na itong kumain.
Ayos ka ha, breakfast in bed.
Naman.
“Hmmm, sobrang sarap naman nito Andy at mga favorite ko pa. Thank you so much Andy,” puri nito matapos isubo ang pagkain at niyakap ako nang mahigpit.
“You're always welcome Kate. Anything for you, kahit manyak ka,” sagot ko naman dito pero syempre hininaan ko lang 'yong huling sinabi ko at gumanti rin ng yakap.
Nang matapos siya ay iniligpit ko na ang pinagkainan niya at aalis na sana ako nang hilahin niya ako sabay halik sa pisngi ko.
“Wait for me outside Andy,” sabi nito sa akin at nagwink.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Romance"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...