4

3.6K 86 0
                                    

ANDY

Hay, late akong nagising ngayon. Sobrang sakit ng katawan ko para akong binugbog.
Tiningnan ko ang oras.

7:00 a.m.

Aish, late na ako! Tiningnan ko rin ang phone ko. May ten missed calls at five messages. Lahat galing kay Kate.

From: Kate Manyak

Andy, nasaan ka na?

Andy, anong oras na oh di mo pa ba ako susunduin?!

Andy? Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga calls ko?!

Bahala ka Andy. Huwag na huwag kang lalapit sa akin!

Don't you ever talk to me Andy, bye!

'Yan ang mga text niya sa akin. Sobrang sweet niya 'di ba? Ako na nga 'yong nabugbog ang katawan kagabi tapos galit pa siya sa akin ngayon. Hayaan niyo na rin 'yong nickname niya bagay naman eh.

Hay nako Kate, ang hirap mong timplahin!

Hindi na ako nagreply kay Kate. 'Wag ko raw siyang kausapin eh. Bumangon na rin ako.

Grabe rin ang babaeng 'yon, ang agang umalis matapos ang ginawa niya sa aking kamanyakan.

Dumiretso na ako sa bathroom at naligo na. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Potek! Ang dami kong hickey at pulang-pula pa! Bakas din ang mga pulang marka sa aking braso dahil sa pag-slap ni Kate.

Nang matapos akong maligo at magtooth brush ay nagbihis na ako. Jeans at oversized na long sleeve tshirt na army green ang sinuot ko with matching white converse.

Tae! Masakit pa rin ang katawan ko. May pasa pa ata ako sa braso nako naman. Mamaya ko na lang siguro lalagyan ng kung ano man.

Nagpabango na rin ako at nang maayos na akong tingnan ay aalis na sana ako nang biglang nagtext si Luce sa akin.

From: Luce
Hoy Drew, nasaan ka na? Magdala ka ng raketa at damit mo pang-training, may practice tayo mamaya.

Kinuha ko na ang aking badminton bag at ilang damit pang-training at umalis na agad.

“Drew, last subject na natin ngayon oh! Anyare sa'yo ba't ngayon ka lang?” bungad sa akin ni Luce pagkarating ko sa room.

“Na-late ako ng gising eh. Napasarap tulog ko,” sabay kamot sa aking ulo.

Tiningnan naman niya akong maigi kung nagsasabi ba ako ng totoo. Mayamaya ay hinila ako nito palabas ng room.

“Halika nga rito Drew!” at kinaladkad niya ako papuntang cr.

“Aray ko Luce! Teka masakit! Dahan-dahan lang!” reklamo ko rito. Ang higpit ba naman ng hawak niya sa braso kong may pasa.

Mabilis nitong ni-lock ang pinto ng cr nang makapasok kami at agad nilislis ang suot ko sabay check ng aking katawan.

“Now, explain those marks,” tukoy niya sa mga hickey at ibang marka sa braso at dibdib ko.

“Wala 'to Luce. Nauntog lang ako 'tsaka kagat lang ng langgam 'yan. Hayaan mo na,” tanggi ko rito at nagpout.

“'Wag mo akong tinatanga-tanga Andrew Torregozon. Ano si Kate na naman ba ang may gawa niyan ha?! Ano sagot!” medyo galit na siya.

Natakot naman ako kay Luce dahil ngayon lang siya naging ganyan. Napakaseryoso niya.

“Basta Luce hayaan mo na lang okay? Promise hindi na mauulit 'to. Hinding-hindi na,” kinakabahan kong sagot.

Napabuntong-hininga na lang siya at napailing-iling.

My Naughty Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon