KATE
We went down with our arms linked together and I could smell the expensive perfume he's wearing.
"Pinaghintay ba kita? Kaya binilisan ko na dahil excited na akong makita ka, babe," nakangiting sabi ni James sa'kin. "You look fantastic on your dress, it suits you perfectly," puri pa niya sa'kin.
I smiled at him. "Thank you, James and no need to worry, you came on time naman."
"Oh my, you two are a perfect match! Enjoy your date together, James and take care of Kate, ha?" tila kinikilig na bulalas ni Mama sa'ming dalawa nang makita niya kami.
"Of course, tita. Kahit di niyo po sabihin ay gagawin ko at ako na pong bahala kay Kate. Makakaasa po kayo." I could feel his big hand squeezing mine as he glanced at me for a sec. Now he's blushing.
"We'll go now, Ma. Uuwi rin po ako ng maaga," paalam ko na kay Mama para makaalis na kami at makabalik din agad ako.
"No, Kate. Kasama mo naman si James kaya okay lang basta enjoy your time together. Oh siya, mag-iingat kayong dalawa ha?" bilin niya sa'kin at sa'ming dalawa.
Tumango na si James kay Mama at paalis na kami nang biglang dumating si Daddy.
"James, alam mo na ang mga dapat at di dapat." Seryoso naman akong tiningnan ni Daddy.
Bigla namang tumuwid ng tayo ang kasama ko at magalang na sumagot, "Opo, sir. Di ko po kayo, bibiguin."
Di na kumibo pa si Daddy kaya umalis na kami. As expected for every guy, he opened the door for me, his smile still flashing on his face. Gentleman as ever.
"Sa'n naman tayo ngayon?" simpleng tanong ko sa kanya habang nasa biyahe kami, nasa labas ang aking tingin.
"You'll know," sagot niya at mahina pang tumawa. I bet sa isang restaurant na naman.
Napalingon lang ako sa kanya nang pisilin niya ang aking kaliwang kamay saka pinag-intertwine ang aming kamay. "How do I look, babe?"
I examined him. He has the looks that will make every girl go crazy and a physique to scream for. He looked stylish on his simple white polo with his muscles flexing, and denim pants. After all, he's a basketball varsity in our university so no doubt that there's a long list to describe him but for me, I don't know.
"Kate, babe?"
"Oh, I'm sorry. You look...great today," nakangiti kong sabi sa kanya. Gosh, nakakahiya. Baka mahalata niya ako.
"Great lang, babe? 'Yon lang?" parang batang sabi niya sa'kin na ikinalito ko.
"Ha? Anong 'yon lang?"
Bigla naman itong tumawa. "Just kidding, babe. Nandito na tayo." He already stopped the car at pinagbuksan na ako ng pinto. Inabot ko na ang nakalahad niyang kamay at inalalayan ako.
As what I've thought, dinala niya ulit ako sa isang fancy restaurant. Baka isa na naman 'to sa pagmamay-ari nila.
"Shall we go?" at sabay na kaming pumasok sa loob na nakakawit ang kamay ko sa braso niya.
Dumiretso kami sa pinareserved niyang room. May mga nakahain ng pagkain at mukhang hinihintay na lang kami.
Pinaghila niya ako ng upuan at nagpaalam saglit.
"Kate, I really like you and you don't know how much I adore you. I know I've got a long way to go but I'm willing to wait," he confessed at iniabot sa'kin ang isang bouquet of flowers at heart-shaped box.
Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya but I kept my mouth shut. Di ko kasi inexpect na may paganito siya and it was my first time that a guy confessed to me like this.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bestfriend (GL)
Romance"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubo...