SDOBE: Chapter 78

17 2 0
                                    

Avila POV

"Who are you? What are you doing here?" Tanong n'ya.

Hay, bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?

Tumayo ako ng diretso at pinanatiling seryoso ang mukha. "I'm one of Mafia here, Sir." Sagot ko.

Nakita ko namang tumaas ang isa niyang kilay at bumangon sa pagkakahiga. Hindi pa s'ya magaling base sa itsura n'ya ngayon.

"Bakit ikaw ang nandito? Where's Sky?" Tanong n'ya habang dinadaing ang sugat sa katawan.

"May inasikaso lang pong mahalagang bagay, Sir. At ako po ay inatasang mag-bantay sa 'yo ngayon." Sagot ko da tanong n'ya.

Kamusta na kaya sila roon? Sana naman hindi mag-taka si Pat kung bakit wala ako sa bahay. Paniguradong paghihinalaan n'ya ako kung nagkataon.

"Hey, woman!"

"Ay, Sir! A-ano po 'yon?" Natataranta kong sabi dahil bigla siyang sumigaw.

"I said give me some water. Nauuhaw ako."

Napangiti ako. Ang cute n'ya mag-tagalog! Nakaka-in love!

"Dali!"

"Yes, Sir!" Agad na lumapit ako sa side table n'ya kung saan may baso ng tubig at kinuha ito. Binigay ko sa kan'ya at agad n'ya naman itong ininom.

Pag-tapos uminom ay ibinigay n'ya sa sa akin ang baso. "Next time wag kang tatanga-tanga. Mafia ka pa man din."

Aba! Akala mo kung sinong gwapo! Che! Hindi na kita crush!
———

Yani POV

At last! Nakalabas na rin sa kulung— I mean sa kwarto ko. Psh. Mahigit dalang buwan ata akong nakakulong doon at buti nalang ay nakayanan ko.

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa loob ng laboratory ng Mego's Headquarter. Hinahanap ko kasi si Butler Ri para sana ipaayos ang mga gamit ko dahil balak ko nang umuwi bukas.

Teka, si Avila ba 'yon? Anong ginagawa n'ya rito?

Lumapit ako sa kan'ya pero hindi n'ya ako napansin at tila malalim ang iniisip.

"Avila." Pagtatawag ko rito nang makalagpas s'ya sa akin.

Napalingon naman s'ya sa gawi ko ng may kunot sa noo pero agad din itong nawala ng makita n'ya ako.

"Yani!" Sigaw n'ya at tumakbo palapit sa akin. Niyakap n'ya ako kaya yumakap din ako pabalik. "Gosh! I missed you!" Sabi n'ya at kumalas sa yakap.

Napatawa ako. "Me too. Teka, bakit ka nga pala nandito? May pinagawa ba si Boss at naka-simangot ka r'yan?"

Ipinag-tupi n'ya ang braso sa harapan ng dibdib at lalong sumimangot. "E pano ba naman kasi, ako pinag-bantay ni Boss doon sa Middle Door. Umalis sila ni Dra. Morales kaya ako raw muna mag-bantay. Tuwang-tuwa pa ako noong una dahil gwapo 'yong babantaya ko kaso no'ng nagising, ang sungit!" Kwento n'ya.

"Ano ka ba, Avila? At least you saw his face. Mga doktor at nars lang kaya ang pwede roon." Natatawa kong sabi sa kan'ya.

Yup, Middle Door. Hindi pa ako nakakapasok doon ever since pero ang sabi nila para lang itong opsital. Ospital para bumuhay ng mga patay.  It's a kinda weird but never mind. Well, what do you expect to Mego Mafia? Everything is possible.

"Duh, Yani! Kung ikaw ang nandoon paniguradong mabwi-bwisit ka rin. Parang si Boss nga lang e. Kamukha n'ya na, kaugali pa. Psh. I swear, you will hate him if ever."

Kamukha n'ya na, kaugali pa.

Middle Door. Ospital para bumuhay ng mga patay.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon