SDOBE: Chapter 79

14 2 0
                                    

Pat POV

"Boss? Did I heard, Boss?" Tanong ko dahilan ng pag-tahimik nila.

Boss... hindi kaya s'ya 'yo—.

"Ehem! Gusto n'yo na ba malaman ang resulta?" Pag-iiba sa usapan ni Dra. Morales kaya napatingin ang lahat sa kan'ya.

"O-oo! Mabuti pa nga." Sabi ni Shan at tila hindi mapakali.

Anong problema n'ya? Psh.

Lumapit s'ya kay Mr. Ky at kinaladkad papunta sa pwesto nila kanina. Si Mr. Ky naman ay nakatingin sa gawi ko kahit pa man may suot s'yang shades.

"Hon."

Napatingin ako kay Jalil na nasa gilid ko. He looked stressed. Para s'yang tumanda ng isang taon sa itsura n'ya ngayon.

"What happened? Bakit gan'yan ang itsura mo?" Tanong ko sa kan'ya at hinawakan s'ya sa pisngi.

He looked matured yet still handsome.

"I'm sorry." Sabi n'ya at hindi pinansin ang tanong ko.

Napakunot ako ng noo. "Sorry about what?"

"We're still... young. I'm sorry, hindi ko na-isip ang magiging resul—.

I cut him off. "I'm pregnant, Jalil. Ginusto natin ang nangyari, wala dapat sisihin dito." Nakangiti kong sabi sa kan'ya at binigyan ng halik sa labi.

Napangiti ako sa naging reaksyon n'ya. Tulala at halata ang gulat.

"Mr. Ky."

Napatingin kami kay Shan.

Anong nangyari? Bigla na lang lumabas ng kwarto ko si Mr. Ky. Tumingin naman sa akin si Shan at binigyan ako ng I-am-sorry-look bago sumunod na lumabas kay Mr. Ky.

What was just happened?
———

Shan POV

"Boss."

Nanatili lang akong nakasunod kay Boss hanggang makarating sa likod ng bahay. Huminto s'ya kaya huminto rin ako malayo sa kan'ya.

Nakatalikod ito sa akin at pansin kong malalim ang pag-hinga nito.

Hindi ko alam ang nararamdaman n'ya ngayon pero sa itsura n'ya pa lang alam kong nagagalit ito. Galit na may halong lungkot at pag-sisisi.

"Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!" Sigaw n'yang sabi habang sinasabunutan ang sarili at tinapon ang suot na shades.

Napabuntong-hininga ako. Gusto ko s'yang kausapin para kahit papaano ay mabawasan ang galit na nararamdaman n'ya. Pero sa lagay niyang iyan ngayon, mas mabuti nang hindi mangialam.

Humarap s'ya sa gawi ko at doon nakita ko ang nanunubig niyang mga mata.

Pangalawang beses ko s'yang makitang umiyan. Noong una, 'yong namatay ang parents n'ya ay ngayon na napabayaan ang babaeng kinaiingat-ingatan n'ya.

"Ang tanga ko. Hindi ko na naprotektahan ang mga magulang ko noon, tapos ngayon... kapatid ko naman." Tila bulong niyang sabi.

Oo, s'ya nga. Ang tinatawag naming Boss, si Mr, Ky, Mr. Mego at Sky Leighton El Grego ay iisa. Ang nawawalang anak ng El Grego at kapatid ni Patricia. He's alive.

"Matagal na kitang sinabihan. Matagal ko ng sinabi na magpakita ka na sa kan'ya pero anong ginawa ko? Mas inuna mo pa ang iba kaysa sa sarili mong kapatid."

Halata sa mukha n'ya ang pagkabigla sa sinabi ko.

"Alam mong ginagawa ko 'to dahil gusto kong protektahan ang kapatid ko." Mariin niyang sabi.

"Gusto mong protektahan o natatakot kang magpakita sa kan'y—."

"I'm your Boss, Shan. Alalahanin mo kung saan ka tumatapak." Lalong sumeryoso ang kukha n'yang nakatingin sa akin.

"Yes, you're my Boss at hindi ko makakalimutan kung saan ako nakatapak at kung ano ang tinatayuan ko ngayon. Pero sa ngayon, kakausapin kita bilang isang kaibigan ko." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata n'ya. "Walang araw na hindi ko ipinaalala sa'yo ng kailangan n'ya ng masasandalan. Araw-araw kong nakikita si Pat at sa araw-araw na 'yon, nakita ko kung gaano s'ya kasabik na makilala ka. Sabik na sabik s'ya na kahit panaginip ikaw ang hinahanap n'ya. Pero hindi n'ya alam na 'yong taong kinasasabikan n'yang makita ay 'yong taong ikadudurog ng puso n'ya. Matagal ka ng nagtatago, Sky. Panahon na siguro para makilala ka n'ya." Mahabang sabi ko sa kan'ya.

Nanatili lang itong nakatingin sa akin hanggang sa s'ya ang sumuko.

"Hindi ko pa natatapos ang plano ko, Shan." Sabi nya at tumalikod sa akin.

"Mas importante ba talaga 'yang plano mo kaysa kay P—."

"Please, just this time. Hayaan mo kong tapusin ang katarantaduhan ko, at pag-natapos ko 'to. Ako mismo ang magreretiro sa pwesto ko at ibibigay ko sa' yo." Lumingon s'ya sa akin at seryosong tumingin. "Mark my words." Seryoso niyang sabi at kinuha ang salamin sa damuhan bago tuluyang umalis.

Naiwan akong nakatayo rito.

Hindi ko kailangan ng pwesto mo, mas importante sa akin si Pat.

Naisiipan ko na ring sumunod sa kan'ya at pumasok ng bahay. Naabutan ko sila sa sala kasama na si Dra. Morales habang kausap ni Boss. Napansin kong tahimik silang nakikinig sa sinasabi ni Dra. Morales kaya lumapit din ako para makinig.

"Maselan ang pag bu-buntis ni Ms. Patricia kaya mabuting huwag muna kayong gagawa ng ikaka-init ng ulo niya. Bawal rin sa kan'ya ang ma-stress ng sobra lalo na ngayong nag-lilihi s'ya. Hangga't maari, huwag muna kayong lalapit o makikipag-usap sa kan'ya. Mas makakabuti sa kan'ya iyon." Mahinahong sabi ni Dra. Morales.

"Si Chad na lang ilayo n'yo tutal s'ya lang naman lagi nang-aasar kay Pat e." Biglang sabi ni Finn kaya napatingin kami sa kan'ya at kay Chad.

Nagtaas ng dalawang kamay si Chad na para bang suko na ito. "T-teka, Boss. Mainitin talaga ang ulo ni Pat."

Napailing na lang ako. Totoo naman, mainitin talaga ang ulo ni Pat.

"Narinig n'yo ang sinabi ni Dra. Morales." Biglang sabi ni Noss kaya napatingin kami sa kan'ya. "Gusto ko sana kayong ibalik sa Mego Headquarters para masiguradong magiging maasyos ang kalagayan ni Patricia... pero mas magandang manatili kayo rito para kahit papaano ay may makakasama sila at may magbabantay sa kan'ya." Bakas sa boses ni Boss ang lungkot habang nakatingin ito sa sahig.

Nanatili kaming tahimik at walang nagbalak mag-salita.

"Gusto mo ring mag-stay." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa kan'ya.

Napatingin ito sa gawi ko at huminga ng malalim. "Alagaan mo s'ya kagaya ng pag-aalaga mo sa kan'ya noon. Babalik ako sa araw ng kasal n'ya at doon aaminin ko ang lahat... lahat ng mga kasalanan ko at sikreto. Just promise me you will protect her no matter what." Nag-pilit itong ngumiting lumakad patungo sa akin. "I'll go ahead." Sabi n'ya at tinapik ang kaliwang braso ko bago tuluyang umalis kasunod sila Dra. Morales at ng nars.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Sana nga, Sky. Hihontayin ko ang araw na 'yon.

•MELLHEANS•

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon