SDOBE: Chapter 64

13 2 0
                                    

Pat POV

"You look stunning, hon." Biglang bulong sa akin ni Jalil sa tenga ko at ipinalupot pa ang mga braso sa bewang ko mula sa likod.

I chuckled. "As always."

"But you're more beautiful today."

Hinarap ko s'ya at pinagtaasan ng kilay. "So you mean, I'm not beautiful everyday? Huh?"

Bahagya s'yang napatawa. "That's not what I mean." He kissed me, on the lips.

"Ehem. Baka gusto n'yong ipagpa-liban muna 'yang kissing moment n'yo."

Rinig naming sabi ni Shan pero hindi pa rin tinitigilan ni Jalil ang labi ko kaya ako na lang ang tumigil.

Nakita ko naman s'yang tumatawa. Psh. Nag-aasar na naman ang gago.

Pinunasan ko ang labi ni Jalil dahil kumalat sa kan'ya ang lipstick ko. Tsk. I'm wearing make up today. Ayoko pa nga e, pero mapilit si Elle hanggang sa napapayag ako. Psh.

"Tsk. Let's go." Shan irritated said before walked.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nakabukas kasi ang pintuan kaya n'ya kami nakita. Nauna na s'yang bumaba kaya nagsimula na rin kaming maglakad.

"OMG! See? I told you na bagay talaga sayo ang make-up. Hihihi."

Sino pa ba? Edi si Elle.

S'ya unang bumungad pagkababa namin. Nandito na rin ang lahat at mukhang kami na lang ang hinihintay.

Elle's wearing a blue night dress— 'yung kinuha n'ya kanina. Bagay sa kan'ya dahil maputi ito, meron din s'yang black mask na hawak.

Si Yv naman ay silver night gown na strapless at may slit sa bandang hita. Kulay silver din ang hawak na mask at may isang feather na naka-kabit sa taas.

Ang mga lalaki naman ay naka-suot ng tuxedo. Kulay white sa kambal at black naman kay Felix at Finn, habang kay Shan at Chad ay kulay gray, kay Iraend naman ay dark blue— mukhang s'ya ang ka-partner ni Elle ngayon.

Ako naman ay naka-suot ng black night gown na may slit din sa bandang hita— ito 'yung binili ko sa mall, no'ng araw na sinundan ako ni Shan— 'yong may nakabungguan akong babae. Psh. Naalala ko na may ganito pala ako kaya ito na lang ang sinuot ko.

Si Jalil naman ay nakasuot ng black tuxedo with silver design sa harapan. Hindi ito masyadong makita sa malayuan pero kumikintab ito pag natatamaan ng ilaw. He look more handsome today because of his hair. Naka-taas kasi ito ay ayos na ayos. Ayaw n'ya pa nga ng ipagalaw ang buhok n'ya kay Elle e, pero nagawan namang ng paraan.

Lahat kami ay may hawak-hawak na mask at syempre, hindi mawawala ang armas.

Well, sabihin na lang nating pagalingang mag-tago. *chuckled* Yeah, everyone are ready.

"Let's go?" Tanong ni Shan.

Tumango na lang ako dahil sa akin s'ya nakatingin. Nauna s'yang lumabas at sumunod naman ang iba. Huli kaming lumabas  ni Jalil.

Sumakay sila sa kan'ya-kan'ya nilang kotse at kami naman ni Jalil ay sa kotse ko at s'ya ang nagmamaneho.

"What's the matter?" Biglang tanong n'ya.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa bintana. "Nothing." Tipid kong sabi.

Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon. Hindi kasi nila alam ang plano ko at tanging si Jalil lang ang nakaka-alam.

Nandoon sila at malalaman nila ang gagawin ko. Marami pang tao pero hindi iyon ang pinoproblema ko.

Paano pag nadamay sila sa gagawin ko? I don't know what to do. Ayoko namang sabihin sa kanila kasi alam kong makiki-alam sila.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon