SDOBE: Chapter 83

17 3 0
                                    

Shan POV

Tahimik ang buong bahay. Walang maingay, walang magulo, at walang nagpapatahimik.

Simula kagabi hanggang ngayon, hindi lumabas si Pat sa kwarto niya. Ayaw makipag-usap kahit kanino man sa amin at kahit kay Jalil. Hindi kumakain at tila ayaw kaming makita.

Ito ang kinakatakutan ko, ang mag-iba ang ugali niya.

Kasalukuyan kaming kumakain ng aslmusal ngayon at tanging tunong lang ng mga plato ang maririnig.

Huminga ako ng malalim. "Ang saya lang natin kagabi." Walang ganang sabi ko habang nakatingin sa kinakain ko.

"I'm done."

Napatingin ako kay Jalil ng bigla itong tumayo. Seryoso ang mukha niya na para bang malayo sa Jalil na nakilala namin.

Kinuha niya ang pagkain na hinanda niya kanina para kay Pat at nagsimulang maglakad.

I looked at his plate. Napailing ako at bumuntong-hininga. "You not even finish your food."

"I'm already full." Huling sabi niya bago tuluyang makaakyat ng hagdan.

"Nakakawalang-gana." Bagot na sabi ni Avila habang nilalaro ang pagkain sa plato.

"Stop that. Eat your food." Seryosong sabi ko at nagsimula na ulit kumain.

Pero agad din akong napatigil.

Nakakawalang-gana nga.

Noong dati ay hindi mawala-wala ang bangayan nila ni Chad na rinding-rindi kami, ngayon naman ay hinahanap ng tainga namin ang ingay nila.

Napasandal ako sa inuupuan ko at tumingin sa kanila.

Hindi lang pala kami ni Avila ang nawalan ng gana, kundi lahat kami.

"Ganoon ba talaga pag-buntis?" Wala sa sariling tanong ni Chad.

"I don't know, ngayon ko lang naranasang may kasamang buntis." Sagot ko sa tanong niya.

Napatingin kaming lahat sa hagdanan ng bumaba si Jalil at parang lantang gulay na lumakad sa sala at umupo sa sofa.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "What happened?" Tanong ko rito.

Sumandal siya sa sofa na para bang may problema.

He sigh. "I don't know what happened to her. She's not even look at me. I don't know if the wedding will contin—."

"Hey! Ang nega niyo! Psh." Biglang sigaw ni Avila kaya napatingin kami rito. Lumapit siya sa amin kasabay ang iba. "She's pregnant, Jalil. So you should understand her. Kasama sa pagbubuntis ang pag-iba ng ugali." Sabi niya kay Jalil.

Tumingin naman ako kay Jalil. Nakayuko ito habang pinaglalaruan ang kamay na nasa hita niya.

Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang likod niya. "You know what? Avi's right. Intindihin mo na lang muna siya and bro, your wedding is tommorow. You should be happy."

Tinapik n'ya rin ako sa likod. "Thanks, bro." Ngiting pilit niyang sabi.

"Guys, Boss sent me a email."

Tumingin agad kaming lahat kay Chad ng marinig namaing ang 'Boss'.

Tumayo ako at tumingin ng seryoso sa kan'ya. "What is it?" Kunot-noong tanong ko.

He seriously looked us one by one. "He's coming," He faced Jalil. "With Yani."
———

Yani POV

"Hindi ka ba masaya?"

Agad akong napatingin sa katabi ko nang bigla itong mag-salita.

Si Boss.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon