SDOBE: Chapter 75

16 2 0
                                    

Someone's POV

"Boss, nandito na po sila." Sabi ng isa kong tauhan pagpasok ng pinto.

"Papasukin sila." Utos ko at sumunod naman ito.

Pumasok ang tatlong taong sakim sa pera at yaman.

Napangisi ako.

Mga kauri kong sakim.

"Greetings." Nakangisi kong bati sa kanila at tumayo. Naglakad ako sa sofa dito sa loob ng opisina ko. "Please, seat." Sabi ko sa kanila habang nakaturo sa sofa.

Taas noo silang naglakad palapit sa akin. Dama ang tindig ng mga kapangyarihan nila. Ang lakas na kahit sino ay mapapasunod.

"Tea? Coffee? What do you like?" Tanong ko sa kanila.

Umiling ang mga ito, ganoon pa rin ang itsura. Tila walang ekspresyon ang mukha ay kahit sino ay matatakot kung makikita ang mga ito.

"Why did you suddenly called us, Pablo?" Walang ekspresyon na tanong ni Alfred.

Pang-pito sa mga makapangyarihang tao sa mundo ng mga Mafia.

Umupo ako sa isang sofa at nginisian sila. "Alam nyo naman ang balita sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga Mafia." Panimula ko.

Nakita ko naman ang pag-seryoso ng mga mukha nila kasabay ang pagtango.

"Tayong apat na lang ang natitira. Gusto kong bumuo tayo ng alyansa at magtulungan sa nalalapit na gyera." Mariin kong sabi.

Nagkatinginan silang tatlo at tila ba nag-uusap-usap gamit ang mga mata.

"Huwag n'yong hintayin na maubos tayo ng tuluyan. Parusahan natin kung sino ang nasa likod ng mga ito." Dagdag ko pa.

Tumingin sila sa akin.

"Kilala mo ba kung sino ang mga nasa likod nito?" Tanong ni David, pang-walo sa sampung malalakas na Mafia.

Ngumisi ako. "Kilala ko."
———

Pat POV

"Hindi pa ba tayo mag-sisimula?" Bagot na tanong ko sa kanila.

Paano ba naman kasi, ang tahimik nila na akala mo ay may dumaang masamang hangin. Tulala rin at mga wala sa sarili. Kanina pa sila gan'yan n'ong dumating 'yong wedding planer na hindi naman mukhang wedding planer.

Speaking of him. Kanina pa s'ya nakatingin sa akin kahit pa man naka-suot pa rin s'ya ng shades ay pansin ko pa rin iyon, pati bawat kilos ko ay sinusundan n'ya.

Something is wrong.

Sinabayan ko ang titig n'ya hanggang sa pinanliitan ko ito ng tingin. "Anong tinitingin-tingin mo r'yan?" Mataray kong tanong sa kan'ya.

Halatang nagulat ito dahil bahagyang tumaas ang dalawa niyang balikat. Umayos s'ya ng upo at umiwas ng tingin.

Tumikhim s'ya. "Let's start." Sabi nito.

Tsk. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Nakita ko ring nag sipag-ayos na ang iba at nawala na ang bigat sa mga hininga nila.

Ano ba kasing nangyayari sa kanila? Psh.

"Let's start to your dress, Ms... ahm."

Napataaa ang kilay ko ng hindi n'ya mabanggit ang pangalan ko.

"My name is Patricia." Sabi ko sa kan'ya.

"Yes, Ms... Patricia."

Nanlaki ang mga mata ko.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon