SDOBE: Chapter 66

12 2 0
                                    

Pat POV

"Hahaha... masaya 'to."

Rinig kong sabi nila sa likod ko matapos kong isarado ang pinto.

Napa-irap na lang ako at ngiting tumingin sa kanila.

"Saan natin sisimulan, miss?" Tanong ng isa na malawak ang ngiti sa labi.

Psh.

"Ako muna." Sabi naman ng isa at nakipag-talo pa sa kasama.

Dahan-dahan kong hinahawakan ang hita ko pataas para tumaas din ang damit ko.

"Hey, boys..." Sabay silang napatingin sa akin at bumaba ang tingin sa hita ko.

Sa pwesto ko kasi ngayon, para akong nag-aakit. Tsk. Nakatingkayad ang kanang paa kung saan kita ang hita ko.

Nakita ko ang pag-ngisi nilang dalawa at dahan-dahang lumapit sa akin, pero hindi pa sila nakakalapit ay agad silang napatigil habang nakatingin sa hita ko.

Maya-maya ay gumalaw sila at aktong may huhugutin sa likod nila ng maunahan ko sila at mabilis na itinutok sa kanila ang hawak kong baril.

Remember? Sa hita ko tinatago ang baril ko.

"Don't move." Mariin kong sabi habang patuloy pa ring nakatutukok ang baril ko sa kanila.

Nagkatinginan sila kaya mabilis ko silang pinag-babril sa hita.

Don't worry, they didn't hear us. I used silencer.

Napa-upo sila sa sakit habang dumadaing.

Kinasa ko ang baril dahilan ng pag-tahimik nila. Pawis na pawis ang mga mukha nila na tila ba hirap na hirap sa dinaranasa ngayon.

Tsk. Ikaw ba naman mabaril sa hita at pigilan sumigaw.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatutok pa rin ang baril ko sa kanila.

"Ang sisigaw, patay." Seryoso kong sabi.

Nakita ko naman ang mabilis nilang pag-tango.

Ngumisi ako. "Good."

I pointed the gun on their another legs and shot them on.

Pilit silang dumadaing. Namumula na sila at halos lumalabas na ugat sa katawan dahil sa sakit na natamo nila.

"Dito lang kayo. Pag-bumalik akong wala kayo rito, patay kayo sa akin." Huli kong sabi at tinalikuran sila.

Humawak ako sa seradula.

"Tsk. Tsk. Tsk. Gusto n'yo na atang lisanin ang mundong ito." Sabi ko at humarap sa kanila.

They were holding guns, pero hindi nila ito matutok sa akin ng mabuti dahil naghihina ang katawan nila.

Poor, guys.

Ngumisi ako. "Okay."

Itinutok ko sa kanila ang hawak kong baril at mabilis na pinaputukan sila sa noo.

Bulls eye.

I chuckled.

Tumalikod na ako sa kanila at binuksan na ang pintuan. Sumilip muna ako sa magkabilang gilid kung may tao ba bago ako lumabas at sinarado ang pintuan.

May nakita akong papel at pen tip pen sa gilid, kinuha ko ito. Isinulat ko ang gusto kong iparating at idinikit ito sa pintuan ng c.r gamit ang scratch tape na kasama rin ng papel.

Pagkatapos ay mabilis akong umalis roon at hinanap ang daan patungong stage.

"We are now here to celebrate the 25th anniversary of Mr. and Mrs. Morris."

Shit.

Mabilis akong tumakbo patungo sa ingay na 'yon. Lumiko ako sa pasilyo at saktong naabutan ko ang mag-asawang kanina ko pa hinahanap.

Nakatayo ito sa pinakalikod ng stage, magkahawak ang kamay habang nakangiti.

"Please welcome, the married couple. Mr. and Mrs. Morris!"

Mabilis na tinakbo ko ang pagitan namin bago sila makatungtong sa hagdanan papunta sa stage.

"Don't move!" Mariin kong sabi habang nakatutok sa kanila ang baril ko.

Napatingin silang dalawa sa akin at gulat ng makita akong may hawak na baril na nakatutok sa kanila.

"S-sino ka?!" Tanong ni Mr. Morris at itinago ang asawa sa likod n'ya.

Ang ibang nandito ang nagtatago at takot na lapitan ako. May mga dumating na body guard at aktong lalapit sa akin ng magsalita ako.

"Don't you dare. Pag-lumapit kayo sa akin, papatayin ko ang mga amo n'yo." Walang emosyon kong sabi.

"Walang magpapaputok! Ibaba n'yo ang hawak n'yong baril!" Utos n'ya sa mga bodyguard n'ya at humarap sa akin. "Anong gusto mo?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Come with me." Seryosong sabi ko at bahagyang tumingin sa mga gwardya n'ya. "With your wife."

"Ano bang kailangan mo sa amin?" Mahinahong tanong ni Mr. Morris.

Napangisi ako. "Kayo ang may kailangan sa akin." Sinenyasan ko silang lumapit sa akin. "Faster!"

"O-oo na." Hinawakan n'ya ang asawa at inalalayang sumama sa kan'ya.

"Your stupid bodyguards." Bagot kong sabi sa kan'ya.

Tinignan n'ya ang mga ito. "Walang lalapit! Walang magpapaputok! Mag-uusap lang kami!" Sabi n'ya at tumingin sa akin. "Saan tayo pupunta?" Tanong n'ya.

Napalibot ang tingin ko at napahinto sa gilid ko. May pintuan doon.

Itinuro ko iyon. "Inside." Pinangse-senyas ko ang baril ko para pumasok sila sa kwarto.

Lumakad sila roon at binuksan ang pintuan. Patuloy pa ring nakatutok ang baril ko sa mga walang kwentang gwardya na ito hanggang makapasok sa loob ang mag-asawa.

"Tell them, continue the party even if I'm not there." Sabi ko.

Nagtinginan naman sila na para bang nalilito sa sinabi ko.

"Don't worry, hindi ko sasaktan ang mga among n'yo. Just tell them, continue the party." Ibinaba ko ang baril ko at bagot na pumasok sa kwarto.

Nakita ko naman ang mag-asawa sa isang sofa habang magkayakap. Psh.

Parang isang waiting room itong napasukan namin, ang daming mga upuan at isang maliit na lamesa lang sa gitna.

Isinarado ko ang pintuan at ni-lock. Lumakad ako patungo sa sofa'ng kaharap nila. Bagot na umupo ako roon at napapikit.

Tahimik lang kami at tanging air-con lang ang maririnig.

Idinilat ko ang mata ko at bagot na tumingin sa mag-asawa. Ganoon pa rin ang pwesto nila at tahimik na umiiyak si Mrs. Morris. Psh.

Mafia ang asawa pero hindi natatakot? Tsk. Dapat alam n'ya ang magiging lagay n'ya kapag may asawa s'yang isang Mafia. Tsk.

May nakita akong wine na nakapatong sa coffee table kaya kinuha ko ito at tinungga. Wala ng baso-baso, daming arte.

"A-anong kailangan mo?" Biglang tanong ni Mr. Morris.

Akala ko ba Mafia ang isang 'to? Tsk.

Ibinaba ko ang hawak na bote ng wine at tumingin sa kanila. Umiwas ang tingin ang babae.

"Hindi n'yo ako kilala?" Tanong ko at mabilis silang umuling. "Seriously?" Natatawa kong tanong na ikina-taka nila.

"S-sno ka b-ba?" Biglang tanong ni Mrs. Morris.

Huminto ako sa pagtawa at tumingin sa kanila.

Ngumisi ako. "I'm your nightmare."

To be continue...

•MELLHEANS•

(A:N ang sinulat ni Pat sa papel.)

THIS TOILET IS UNAVAILABLE TO USE.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon