SDOBE: Chapter 76

14 2 0
                                    

Pat POV

"It's okay. We'll gonna get some wedding dress tomorrow para maka-pili ka kung wala kang nagus—."

"No. I don't like wedding dress." Putol ko sa sasabihin ni Mr. Ky.

"But why, hon? You're the bride, you should wear wedding dress." Sabi naman ng katabi ko sa kaliawa.

Humarap ako sa kanilang lahat. Itinupi ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib at tinaasan sila mg kilay.

Tumingin ako kay Jalil. "I know, I'm the bride and I should wear wedding dress but it's not my type to wear wedding dress." But I want my mom's wedding gown. Tumingin ako sa kanilang lahat. "Gusto ko 'yong sarili ko pa rin ang makikilala ko pag nag-suot ako ng wedding dress. You know what I mean?" Tanong ko.

Napatunganga naman sila at iba ay nag-iwasan pa ng tingin.

Psh.

"So, what would you like?" Tanong ni Mr. Ky.

Dumiresto ako ng tayo. "Wedding dress." Sagot ko.

"Pero kakasabi m—."

"Na katulad... na kulay black." Dugtong ko sa sinabi ko.

I can't say it. Parang may pumipigil sa akin na sabihin ko ito and I don't know why?

Narinig ko naman ang pag-bulungan nila sa likod habang si Mr. Ky at Jalil ay nag-tinginan.

Napa-irap na lang ako sa hangin at umupo sa inuupuan kong sofa kanina.

"Let's move on to that wedding dress. I'm already tired." Bagot kong sabi at sumubo ng isang hiwa ng mansanas.

Mas gusto ko pang kumain kaysa pag-usapan ang mga ganitong bagay. Psh.

Nag sipag-kilos naman sila at bumalik na sa dati nilang puwesto.

Umupo si Chad sa kaliwang gilid ko at si Jalil naman ay nasa kanan ko.

"So about the invitations, si Yani na ang bahala roon."

Napatingin ako kay Mr. Ky.

Kumunot ang noo ko. "Bakit si Yani?"

"She volunteered, hon." Sabi ni Jalil.

Agad naman akong napalingon sa kaliwang gilid ko ng makitang lobo ang pisngi ni Chad na parang may kinakain.

Agad akong tumingin sa tray sa lap ko at bumalik ulit ang tingin kay Chad.

Pinanliitan ko s'ya ng tingin. "Kaya pala tumabi ka sa akin." Maangas na sabi ko rito.

Humarap s'ya sa akin at ngumiti habang naka-peace sign pa. Nginuya na n'ya ang pag-kain na nasa bibig n'ya.

Napailing na lang ako.

"Hon, Mr. Ky asking you." Rinig kong bulong na sabi ni Jalil.

Tumingin ako kay Mr. Ky. "What is it again?" Tanong ko rito bago sumubo ulit ng isang hiwang mansanas.

"Why you eating that much?"

Napahinto ako sa pag-nguya dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Mr. Ky dahil sa nginunguya kong pag-kain.

"What?" Tanong ko.

*cough* *cough*

Kumunot ang noo ko ng bigla silang umubo maliban kay Mr. Ky. Pati rin itong dalawa kong katabi, umuubo rin.

"Ano bang ang nangyayari sa inyo?" Takang tanong ko sa kanila.

Tumigil na sila at nag sipag-iwasan ulit ng tingin.

"Ahm, I mean. Sino ang gusto mo maging bridesmaid?" Tanong ulit ni Mr. Ky.

Nagkibit balikat ako. "Kailangan ba may gan'on?" Tanong ko.

"Yes, every bride must have their bridesmaid." Sabi nito.

Tumango-tango ako at tumingin sa gawi ni Elle at Yv.

Nakangiting malapad si Elle sa akin habang si Yv naman ay nakatingin lang sa akin.

"Hmm. Sige, si Yani na lang." Sabi ko at sumubo ng isang hiwa ng mangga.

"What?! Wala here si Yani. Me na lang." Naka-pout na sabi ni Elle.

"Elle, hayaan mo mamili si Pat. Hindi naman ikaw ang ikakasal." Sabi naman ni Yv kay Elle.

Napasimangon naman si Elle at napalumbaba.

"Hayaan mo, Elle. Ikaw ang kukunin naming bridesmaid sa kasal namin ni Yv." Taas noong sabi ni Chad sa tabi ko.

Psh.

Sumaya naman ang mukha ni Elle habang si Yv naman ay napapailing lang.

"So, Jalil. Who's your best man?" Tanong ulit ni Mr. Ky at nakatingin na ito sa katabi ko.

Tumingin ako kay Jalil. "Huwag si Chad, ah." Sabi ko at kumain na ulit.

"What? Why?" Pagmamaktol ni Chad sa kabilang gilid ko.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at tinuon na lang ang pansin sa kinakain ko. Ang sarap kasi e.

"I'll choose Felix to be my best man." Rinig ko sabi ni Jalil.

Well, hindi na ako tumutol. Alam ko naman ang kwento nilang magka-ibigan kaya n'ya pinilit si Felix. They're best buddies, anyway.

"Nice." Boses ni Felix.

"Unfair!"

"Bahala kayo dyan, 'di ako a-attend ng kasal. Hmp."

"Bakit si Felix? Nandito naman ako."

Guest who? Psh. Edi 'yong tatlong isip-bata.

"You know why, why I chose Felix." Tila mahinahon na sabi ng katabi ko.

"We know."

"Okay, sige na nga."

"Pakasal ulit kayo tapos ako naman kunin n'yong best man."

"So, it settled?" Rinig kong tanong ni Mr. Ky.

Napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. "Wala na bang kulang? The guest? The venue? How about the... church?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napangiti naman ito. "Maayos na ang lahat. Ikakasal na lang ang kulang." Sabi nito.

Okay? Psh. Hindi man lang tinanong kung saan gusto kong ikasal o kung sino ang mga bisita. Gusto ko sana imbitahin ang mga natitirang Mafia Boss sa mundo, kaso baka mag-kalat lang sila sa kasal ko kaya huwag na lang. Ayokong mabahiran ng maruming dugo ang damit na sususotin ko. Psh.

"Your guests are only counted. Hindi tayo puwedeng mag-imbita ng iba lalo na't nasa panganib ang buhay mo ngayon." Seryoso niyang sabi na ikinataka ko.

Tama s'ya, pero bakit alam n'ya ang mga iyon? Isa lang s'yang wedding planer.

Napataas ang kilay ko. "How did you know?" Tanong ko.

"Hon, he's a Mafia too. Remember?" Rinig kong sagot ni Jalil sa tanong ko.

Hindi ko s'ya pinansin at tinitigan si Mr. Ky. Nakatingin lang ito sa gawi ko at hindi ko alam kung sa akin ba s'ya nakatingin dahil naka-suot pa rin ito ng shades.

May iba sa kan'ya. Oo, Mafia s'ya pero bakit alam n'ya ang tungkol sa buhay ko? Mafia lang s'ya na mababa ang rango, hindi n'ya dapat alam ang tungkol sa buhay ko.

Mababa nga lang ba? O isa s'ya nakakataas?

I need to watch his move, I don't know what he was really intention to us or to... me. I don't know.

•MELLHEANS•

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon