Paolo's POV:
Natapos na ang pelikulang pinapanuod namin ni Yumi at hanggang ngayon hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Okay na Pao.. Pwede mo ng bitawan ang kamay ko." She said.
"Uh.. Isang pelikula pa ulit?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Nope.. Hindi ko na kaya.. Ngayon pa nga lang hindi ko alam kung makakatulog pa ako eh.. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang pinanuod natin.." Sagot niya.
Ah..
So matatakutin pala siya..
Hmmmmm..
"Yums.. Hindi naman sa tinatakot kita ha.. Pero 'yang kwarto na tinutulugan mo, matagal ng vacant 'yan eh. Wala ka bang nararamdaman diyan sa room mo?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Paolo naman eh!" Sagot niya.
"Hindi naman sa tinatakot kita.. Pero ang totoo kasi.. itong bahay na 'to namana lang 'to ng parents ko sa lolo at lola ko.. Tapos ang kwento ng mga matatanda 'diyan sa kwarto mo nagpaparamdam si...."
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko bigla ng tumakbo si Yumi papunta sa akin at niyakap ako ng mahigipit.
"Ayoko na doon sa kwarto ko.." Sagot niya.
I smiled.
Hindi naman niya nakikitang nakangiti ako eh..
"So.. saan ka matutulog?" Tanong ko.
"Sa kwarto nalang ako ni Nicole.. Pwede kaya ako dun?" Sagot niya.
Ay ganun?
Akala ko naman dito na siya sa akin..
Tsss!
Matakot nga ulit 'to..
"Pwede naman.. Pero kung mapapansin mo.. may connecting door ang kwarto mo at ang kwarto ni Nicole.. Ang sabi ng mga matatanda.. that door is being used.."
Hindi ko na naman ulit natapos ang sasabihin ko dahil hinampas ni Yumi ang dibdib ko.
"Ayoko na sayo talaga!" Sagot niya.
Hinimas ko ang likod ni Yumi na kasalukuyan pa ding nakayakap sa akin.
"You can stay here. Pwede ka dito.. May couch naman ako dito.. I can take that.. you can sleep in my bed.." Sagot ko.
She looked at me.
"Are you sure?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Sure na sure.." Sagot ko.
She smiled.
"Okay.. Samahan mo akong kuhain ang mga gamit ko sa room ko.." Sagot niya,
"Okay.." Sagot ko.
Lalabas na sana kami ng kwarto pero biglang tumigil si Yumi sa paglalakad.
"Teka.. Hindi ba magagalit ang Mommy mo kapag natulog tayo sa iisang kwarto?" Tanong niya.
Natawa ako.
"Si Mommy? Baka magtutumalon pa 'yon sa saya.. Tignan mo bukas.. ready na ang wedding invitation natin.." Sagot ko.
"Seryoso?!" Tanong niya.
Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya.
"Of course not! Ito naman.. ang bilis mong maniwala.." Sagot ko

BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romance❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)