NINE

71 6 0
                                    

Yumi's POV: 

Pag dating namin kahapon sa bahay nila Paolo, isang mahigpit na yakap agad ang sinalubog ng Mommy niya sa amin. She indeed prepared a lot of food yesterday. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing niluto niya at mas lalo pa kaming sumaya nung hapunan dahil pumunta ang asawa't anak ni Nicole. 

It was fun.. 

Kaso.. 

Nasa iisang tao lang ang atensyon ni Paolo kahapon.. 

Kay Bianca.. 

"Good morning anak.." Bati sa akin ng Mommy nila. 

Anak.. 

She'd been calling me that ever since I arrived. 

"Good morning din po Tita.." Bati ko. 

"Nako.. Tita na naman? Diba't ang sabi ko sayo Mommy na ang itawag mo sa akin?" Tanong niya. 

Oo nga pala.. 

We didn't tell her na hindi kami ni Paolo.. 

"Sige po." Sagot ko. 

She smiled. 

"So.. what do you want for breakfast?" Tanong niya. 

"Uhmm.. Anything po.." Sagot ko. 

Tumango siya. 

"Sige.. Ipapahanda ko sa katulong ang agahan ha? Just do whatever you want to do.. Feel at home.. 'Wag kang mahiya.." Sagot niya. 

"Uhhh.. Do you need any help po sa kitchen?" Tanong ko. 

Umiling siya. 

"Hindi na anak.. Bibilinan ko lang naman ang mga kasambahay ng gagawin nila.. Then I'll have to leave kasi may zumba session pa ako.." Sagot ko. 

"Zumba po?" Tanong ko.

"Yes.. gusto mo bang sumama?" Tanong niya. 

"Nako.. 'Wag na po.. Hindi naman po ako marunong sumayaw.." Sagot niya. 

"Nako.. Okay lang anak.. Pwede ka namang manood lang doon.." Sagot niya. 

At dahil parang wala na rin naman na akong choice I decided to go with her. 

****

Akala ko sa plaza or sa isang covered gym lang ang punta namin ni Tita. Kaya pala ginamit niya talaga ang kotse niya kasi sa Manila Club pala ang punta namin.

Sa isang studio talaga sila nag zu-zumba! 

Isang studio sa Manila Club.. 

"Gusto mong sumali?" Tanong ni Tita. 

Umiling ako. 

"Nako.. 'wag na po Tita.. Parehas kaliwa ang paa ko.. Magiging panira lang ako sa sayaw niyo.." Sagot ko. 

Tumango siya. 

"Sige.. since isang oras at kalahati pa naman itong session namin pwede kang mag ikot-ikot dito sa Manila Club.. May access ka sa gym, pool, restaurant.. Anywhere inside Manila Club.. Just show them you pass.." Sagot niya. 

Tumango ako. 

"Sige po.. I'll look around nalang po muna.. Babalik nalang po ako dito bago matapos ang session niyo.." Sagot ko. 

Tumango siya. 

"Sige anak.. Enjoy.." Sagot niya. 

"Opo.. Kayo din po.." Sagot ko. 

OFFICIALLY DATING (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon