FOUR

107 6 0
                                    

Yumi's POV: 

Pag pasok namin ni Paolo sa kwarto nakita namin na iisa lang ang kama. 

"So what now?" Tanong ni Paolo. 

"Uhmmm.. I'll take the left side of the bed.. Okay na sayo 'tong right side? Ayoko kasing nakaharap ako sa bintana.." Sagot ko. 

He looked at me at bakas sa mukha niya ang gulat. 

"So okay lang sayo na sa iisang kama lang tayo matulog?" Tanong niya. 

"Bakit? May nakikita ka pa bang ibang kama dito kung saan ka pwedeng matulog?" Tanong ko. 

"Kaya nga sabi ko kanina I'll take the couch.. Ikaw na dito sa kwarto.." Sagot niya. 

"At ano? Mag mumukha akong masama sa harap nila dahil pinabayaan kita sa labas?" Tanong ko. 

He faked a smile. 

"Yumi.. Hindi ganun 'yon.. Ang tawag dun respeto.. Babae ka.. lalaki ako.. Hindi naman tayo.. So wala tayong dahilan para matulog sa iisang kwarto.." Sagot niya. 

Tumango siya. 

"Respect? WOW! Eh kung nire-respeto mo pala ako then bakit mo ako ginalaw ng gabing 'yon?" Tanong ko. 

Nag tangka siyang lapitan ako but bahagya akong umatras. 

Ayokong mapalapit sa kanya.. 

I hate him.. 

Pagkatapos niya akong iwanan sa ere.. 

"Nakainom ako ng gabing 'yon.. I am broken hearted.. She left me that day.." Paliwanag niya. 

Nang narinig ko ang sagot niya hindi ko napigilan ang galit ko. Sinampal ko si Paolo at wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin. 

"Nakainom ka lang? Broken hearted ka? Eh bakit ako ang ginamit mo? Bakit hindi nalang ibang babae?" Tanong ko. 

Yumuko siya. 

"I'm sorry.. I was not thinking straight that night.. Hindi ko sinasadya.. Ikaw kasi ang unang nagpakita sa akin ng malasakit ng gabing 'yon.. Tapos sobrang ganda mo pa.. I'm sorry Yumi.." Paumanhin niya. 

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang tumulo ang luha ko. 

"Alam mo bang bago kita nilapitan ng gabing 'yon I was looking at you for a good thirty minutes already? I saw pain in your eyes.. I saw sadness.. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong 'wag ka nalang pansinin.. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong 'wag kang lapitan.. Pero wala eh.. ramdam ko ang sakit ng puso mo ng gabin 'yon.. Kaya kita nilapitan at kinausap.. Inaya kita sa bahay para sana kumain ng sisig.. That way baka kahit paano ay makalimutan mo siya.. Kahit sandali lang.. Comfort food ng maraming pinoy ang sisig.. I thought it'll help you.." Sagot ko. 

 "Then bakit mo ako pinayagan na halikan ka?" Tanong niya. 

"I tried pushing you away, remember? Pero anong ginawa mo? You kissed me again.. At kung ano man ang dahilan ko kung bakit kita hinalikan pabalik ng gabing 'yon akin nalang 'yon.. I don't have to explain myself to you.." Sagot ko. 

"Then.. can we start all over again?" Tanong niya. 

Natawa ako ng narinig ko ang sinabi niya. 

"Do you want us to forget everything that night?" Tanong ko. 

"Pwede kaya 'yon?" Tanong niya. 

Gusto ko siyang hambalusin ng narinig ko ang sagot niya pero pinigilan ko ang sarili ko. 

OFFICIALLY DATING (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon