Paolo's POV:
Na-release ang result ng mga laboratories namin at wala namang problema. Since cleared na kami ni Yumi, we left the hospital and both decided to go to 7/11 dahil gutom na gutom na talaga kami. Karen and Kenneth decided to go back to Manila dahil kailangan na rin nilang mag report sa opisina. Francis and Jen also went with them dahil flight na nila bukas papuntang Amsterdam. Sa airport nalang daw sila magpapalipas ng oras dahil sayang lang daw ang pera kapag kukuha pa sila ng hotel.
So now, it's just me and Yumi..
"So.. Anong na ang plano?" Tanong ko.
She looked at me.
"Hmmmm.. Pwede ka naman na sigurong umuwi sa inyo.. Ako nalang ang haharap sa mga pulis.." Sagot niya.
"So maiiwan ka dito?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Eh wala naman akong choice eh.. Wala naman akong kakilala dito.. Wala akong kapamilya.. So I am planning na maghahanap nalang muna ako ng bahay na pwede kong upahan para tirahan habang on going pa ang kaso.." Sagot niya.
At sa tingin niya iiwanan ko siya dito?
Ng mag-isa?
"Hindi naman pwede 'yon.. Paano ka dito? Hindi ka marunong sa lugar.. HIndi ka pamilyar dito Yumi.. Hindi kita pwedeng iwanan ng mag-isa..." Sagot ko.
"Pao.. Okay lang ako.." Sagot ko.
"Tsk! Hindi pwede.. Ayoko.. Paano kung umuwi nalang muna tayo sa Manila? Sumama ka sa akin.. Pwede naman tayong pumunta dito kung talagang kailangan ng mga pulis ang appearance natin eh.." Sagot ko.
"Sa Manila? Tapos?" Tanong niya.
"Sa amin ka na muna.. Mas safe ka sa bahay.. Mas mababantayan kita.. Tapos pwede pa akong mag report sa opisina.. It'll be easier for the both of us.." Sagot ko.
"Sa inyo? So anong iisip ng parents mo?" Tanong niya.
"Let's tell them about what happen.. Sabihin natin ang totoo.. My Mom would understand.. I promise.. Tsaka matutuwa 'yon kapag sinama kita sa amin.. May asawa na ang kapatid ko so nasa ibang bahay na sila ng asawa niya.. Mommy ko lang at katulong ang nasa bahay.. We have spare rooms.. Pwedeng-pwede ka dun Yums.." Sagot ko.
Umilingi siya.
"Ay.. Ayoko.. Nakakahiya.." Sagot niya.
"Tsk! Bahala ka! Basta it's either we go to Manila together or we stay here together.. Kung nasaan ka doon na rin ako.." Sagot ko.
She looked at me at sasagot na sana siya para makipagtalo sa akin pero biglang tumunog ang telepono ko.
It's my sister Nicole..
"Hello.." Bati ko sa kapatid ko.
"Kuya! I heard what happen.. Sobrang nag aalala kami ni Bianca para sayo.. Kamusta ka?" Tanong niya.
Bigla akong lumamig ang mga palad ko ng narinig ko ang pangalan niya. Hindi ko na inisip ang kung ano mang tanong ni Nicole. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano na ang kalagayan ni Bianca.
"Kamusta na siya?" Tanong ko kay Nicole.
"Huh?" Tanong ni Nicole.
"I am talking about Bianca.. Kamusta na siya?" Tanong ko.
Panandaliang natahimik ang kapatid ko bago siya sumagot.
"She's.. actually here.. Do you want to talk to her?" Tanong ni Nicole.
BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romantizm❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)