Yumi's POV:
It's been six month since I gave birth and six months since Paolo left. Alam kong ito ang gusto ko pero simula ng umalis si Paolo pakiramdam ko may kulang. I miss him every single day at nagsisisi ako kung bakit ko siya pinilit lumayo sa amin.
I want that man back..
I really want him back..
Tama nga ang sabi nilang nasa huli ang pagsisisi..
But guess what?
I am gonna win that man back..
"Mayumi.. We've landed.." Tawag ni Mommy.
Yes, I decided to take a trip to the Philippines para subukan ulit ang sa amin ni Paolo. Natatakot ako sa sugal na gagawin ko pero ito lang ang paraan para mabawi ko siya. Hindi ko alam kung bakit ako natagalan bago ma-realize na mahal ko pala talaga siya. He did nothing but to prove me that he loves me pero masyado akong naging matigas sa kanya. I was blinded by anger kaya I didn't realized that I was slowly losing the man that truly loves me.
"Wow.. Ang bilis ng 16 hours.." Sagot ko sa Mommy ko.
When the plane landed nagtulungan kami ni Mommy sa kambal. Siya ang may hawak kay Hanan at ako naman kay Mayari.
"Are you ready to see him again?" Tanong ni Mommy habang naghihintay kami ng mga bagahe namin sa baggage carousel.
"I am.. Pero natatakot ako.. Baka kasi may mahal na siyang iba.." Sagot ko.
My Mom smiled.
"I saw how he loved you kaya naniniwala ako na katulad mo mahal ka pa rin niya.. Isa pa, ikaw ang nanay ng kambal niya.. How can he move on from you?" Sagot ni Mommy.
Tumango ako.
"I hope so Ma.." Sagot ko.
-----------------------------
Paolo's POV:
Simula pag gising ko kaninang umaga kakaiba na ang pakiramdam ko. I am nervous and excited at the same time.
"Good morning Engineer.." Bati sa akin ng isang empleyado dito sa site.
"Magandang umaga din Kuya Nestor.. Kamusta ang flooring sa third floor?" Tanong ko.
"Okay na po Engineer.. Nagawan na po namin ng paraan.." Sagot niya.
"Sige.. Silipin ko nalang mamaya.." Sagot ko.
Naglakad ako papunta sa barracks para kunin ang helmet ko ng bilang tumunog ang telepono ko. It was a reminder saying that today marks the sixth month of me not seeing Yumi and the kids.
Kamusta na kaya sila?
Kanino kaya nagmana ang kambal?
****
Nagpatuloy ang araw ko at ginawa ko lahat ng trabahong pwede kong gawin ngayon. I tried brushing away lahat ng nararamdaman ko at nilunod ko ang sarili ko sa trabaho.
"Engineer Ledesma.. Pananghalian na.. Kain na tayo.." Aya sa akin ng kasamahan ko sa trabaho.
This girls name is Celine. Engineer din ng CDC at siya ang babaeng tinutukso sa akin nga mga kasamahan ko. Kami nalang kasi ang walang asawa sa amin kaya siguro kami ang ginagawan ng issue.
"Sige.. Tara.." Sagot ko.
Naglakad kami papunta sa barracks ng bigla kaming tinawag ng guard.

BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romance❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)