Paolo's POV:
Pananghalian ng huli kong nakita si Yumi. Pag patak ng ala una she immediately left the table and told everyone na babalik na siya sa trabaho. Sinilip ko siya sa area niya bago ako bumalik sa area ko pero hindi ko siya nakita. I assumed that she's busy so I decided to leave her alone hanggang sa pumatak na ang uwian.
"Kuya.. Si Yumi po?" Tanong ko sa foreman na naiwan sa area ni Yumi.
"Ay Sir.. Sinundo po siya ni Sir Lance dito kanina eh.. Early out daw po siya.. Hindi ko po alam kung bakit.." Sagot niya.
"Early out? Mga anong oras sila umalis?" Tanong ko.
"Parang bandang alas tres po yata.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Sige.. Salamat Kuya.." Sagot ko.
I decided to call her phone pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon?
Tsssss!
Dahil wala na akong choice, I decided to call Bianca para magtanong.
"Pao.. Bakit?" Tanong niya mula sa kabilang linya.
"B.. Nasabi ba sayo ni Lance kung saan siya pupunta ngayong hapon?" Tanong ko.
"Hmmm.. Hindi eh.. Pero nasabi niya kaninang aalis daw siya ng maaga sa site.. Bakit?" Tanong niya.
"Kasi.. magkasamas sila ni Yumi eh.. Hindi rin kasi nagsabi si Yumi na aalis siya and I am a bit worried about her.." Sagot ko.
Bianca laughed.
"Ayan.. Nasayo na kasi aayaw-ayaw ka pa.. Tapos ngayong kasama siya ng karibal mo parang sinisilaban 'yang pwet mo.. Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin sa kanyang may gusto ka sa kanya?" Tanong niya.
Seryoso ba 'tong si Bianca?
Is she really asking me that question?
"Because I still love you.." Sagot ko.
Panandalian siyang natahimik bago niya ako nagawang sagutin ulit.
"Pao.. Alam mo namang hindi tayo pwede diba?" Tanong niya.
"Alam ko.. Pero gaya ng sabi mo sa sulat na iniwan mo sa akin sa Amsterdam.. The heart wants what it wants.. And I want you.. I still want you.." Sagot ko.
Huminga si Bianca ng malalim bago iniba ang usapan.
"I'll go ask Alex to locate Lance.. Tatawagan nalang kita kapag alam ko na kung nasaan silang dalawa.." Sagot niya sabay baba ng telepono.
---------------------
Yumi's POV:
Alas tres lang kanina ng sinundo ako ni Lance sa area ko. He told me na ipapakita daw niya sa akin ang isang available condo niya na malapit lang sa site kung saan kami nagta-trabaho.
"So.. Pasado ba sayo 'tong condo?" Tanong ni Lance.
"Well.. Depende.. Magkano ba ang rent ng condo na 'to? Tanong ko.
He laughed.
"Walang rent.. You can stay here for free.." Sagot niya.
Umiling ako.
"Kung ganun.. then I am not taking this.. Hindi ako pwedeng tumira dito ng libre.." Sagot ko.
"Bakit naman? Sa bahay ba nila Paolo nagbabayad ka ng rent?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romance❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)