Paolo's POV:
Maya't-maya ko tinitignan ang orasan dahil hanggang ngayon wala pa rin si Yumi. Bianca updated me a while ago at ang sabi niya nasa Alabang daw si Yumi kasama si Lance.
Anong ginagawa nila sa Alabang?!
"Kuya.. Si Ate Yumi po dumating na.." Tawag ng katulong namin.
Agad akong bumangon sa kama ko at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko ang kwarto ni Yumi at doon ko nakitang nakalabas na ang maleta niya at nilalagay sa loob nito ang mga damit niya.
"What are you doing?" Tanong ko.
"Packing my things.." Sagot niya.
"I can see that.. Bakit?" Tanong ko.
"I am moving out.." Sagot niya.
Nainis ako ng narinig ang sagot niya.
"Moving out? Bakit?" Tanong ko.
"Pinarentahan ni Lance sa akin ang isa sa mga condo niya.. Malapit lang naman sa site 'yong unit.. Tapos okay naman 'yong price so I decided to take it.." Sagot niya.
Nilapitan ko siya at agad na inagaw sa kanya ang mga damit na dapat ilalagay niya sa loob ng maleta niya.
"Paolo stop!" Saway niya.
"No! Tama na nga 'to Yumi! Stop this!" Sagot ko.
"Ano ba ang problema mo Paolo?!" Sagot niya.
"Bakit ba tiwalang-tiwala ka kay Lance?! Ni hindi mo nga alam ang motibo niya sayo eh.. He's hated by a lot of people.. Babaero din siya.. At kung nag-iisip ka sana nakikita mong iba ang habol ni Lance sayo!" Sagot ko.
She looked at me at kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Yumi. She's always so composed pero this time parang isang pitik nalang sasabog na siya.
"Leave me alone.." Sagot niya.
"Yumi.. please.." Pakiusap ko.
Umiling siya.
"I am leaving this house Paolo.. I have to.. Hindi na tayo pwedeng tumira sa iisang bahay.. We have to stop seeing each other.." Sagot niya.
"NO!" Sagot ko.
"Kailangan kong lumayo sayo Pao.. Please.. Intindihin mo naman ako.." Sagot niya.
"Ano ba kasi ang dahilan? Bakit ka ba aalis?" Tanong ko.
She looked at me at doon na sunod-sunod na tumulo ang luha niya.
"Kailangan ko ng lumayo sayo Paolo.. Kasi.. I am falling for you.. Bawat araw na makakasama kita parang mas lalo lang akong nahuhulog sayo.. And loving you is okay.. Pero kasi nasasaktan na ako.. Alam naman nating dalawa na mahal mo pa si Bianca.. And everytime that she's around, nakakalimutan mo ako.. It's as if I don't exist.." Sagot niya.
I hugged her.
"I'm sorry.. I'm sorry kung nasasaktan kita.. I'm sorry kung insensitive ako.. Yumi.. please.. 'wag ka ng umalis.." Pakiusap ko.
Tinulak niya ako palayo.
"I'm sorry.. But I have to save myself.." Sagot niya.
"But I don't want to lose you.." Sagot ko.
"Then si Bianca ang pakawalan mo.." Sagot niya.
I looked away.
"Hindi ko pa kaya.." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romansa❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)