SIX

92 6 0
                                    

Yumi's POV: 

"Paolo.. Teka.. Sandali.." Tawag ko sa lalaking  mabilis na naglalakad sa harapan ko. 

Tumigil siya at nilingon ako. 

"What?" Tanong niya. 

"Ano 'yong mga sinabi mo?" Tanong ko. 

Umiling siya. 

"Wala lang 'yon.." Sagot niya. 

"Wala lang 'yon? Eh parang may laman kasi eh.." Sagot ko. 

"Wala nga lang 'yon.. Kalimutan mo na 'yon.." Sagot niya. 

Ay! 

Ano ba 'yan! 

"Ang daya mo naman.." Sagot ko. 

He looked at me at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkainis. 

"Anong madaya? I don't want to explain anything to you.. I don't need to explain anything to you.. Sino ka ba? Ano ba kita? Bakit ko ba kailangang magpaliwanag sayo?" Sagot niya. 

OUCH! 

Sakit nun! 

Tumango ako.

"Oo nga naman.. Bakit mo nga naman kailangang ipaliwanag sa akin ang mga bagay-bagay? I am a nobody lang naman.. Fine.. 'Wag mo ng ipaliwanag ang kung ano man ang ibig mong sabihin kanina.. Just please do me a favor.. Pwede bang 'wag mo na akong i-mislead?" 

After telling him that, umalis ako. Iniwan ko siya sa kung saan man siya nakatayo and I decided to do the checking by myself. Wala akong pakialam kung hindi na niya ako samahan. Alam ko namang gawin ang trabaho ko at hindi ko kailangan ang tulong niya. 

****

Halos isang oras na akong naglalakad sa hotel building ng resort ng mag-isa. Medyo luma na talaga ang gusaling 'to at ang dami ng kailangang ayusin. 

"Yumi.." Tawag sa akin ng isang lalaki. 

Agad akong lumingon to see that it's Jake calling me. 

"Sir.. Ano po ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko. 

Naglakad siya papalapit sa akin. 

"Well.. I was bored.. Wala akong magawa eh.. So I decided to follow you guys here.. Nga pala.. bakit ikaw lang? Where's Paolo?" Tanong niya. 

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla akong nakaramdam ng kaba habang nasa harap ko si Jake. 

"Uh.. May kinuha lang siya sa sasakyan.. For sure pabalik na 'yon.." Sagot ko. 

Hinawakan niya ang braso ko. 

"Since wala pa naman siya.. Do you want to do something fun?" Tanong niya. 

Agad akong umatras. 

"Sir.. I am working.. Pwede po bang hayaan niyo muna akong mag trabaho?" Tanong ko. 

He smiled. 

"Baby.. You don't have to work.. Sundin mo lang ang mga gusto ko and I promise you, magbubuhay reyna ka.." Sagot niya sabay hila sa akin papalapit sa kanya. 

He was about to kiss me pero mabilis ko siya naitulak papalayo. Ginamit ko lahat ng lakas na meron ako para lang mailayo siya sa akin but he's really strong. I can't do much so all I did was to scream.

I screamed as loud as I can.. 

I screamed my heart out.. 

Hoping that someone could hear me.. 

OFFICIALLY DATING (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon